Chapter 19: Buhay ang Kailangan “Diyos ko, baka tayo ang isusunod ng multong ‘yan.” Pinatay ni Gilbert ang kanyang cellphone at pumasok sa kanyang kumot. “Hindi na normal itong nangyayari.” Kinakabahan kong sambit. “Tama ka Gabriel, kailangang malaman natin ang dahilan niya.” Seryosong wika ni Tyler. First time ko siyang makita na ganoon ngunit masaya ako dahil hindi na siya pabakla-bakla. “Ngunit mahihirapan tayo dahil isang multo ang gumagambala sa atin. At malabong paniwalaan tayo sa ating sasabihin. Ang mabuti pa’y mas lalo pa nating alamin. Baka may ibang tao na behind sa pagpatay kay Professor Sotto." Tama si Tyler sa kanyang sinabi. Malabong paniniwalaan kami at malabo ring multo ang kumitil sa buhay ng professor. Hindi iyon magagawa ng isang multo lang, ngunit may aga-agam rin

