Chapter 43: Exorcism of the House 2 "Hanggang kailan tayo mananatili rito?" Rinig kong tanong ni Angel. Parang gusto ko nang bumigay sa sobrang panghihina! "Hangga't walang tulong na darating ay mananatili tayo rito. Mamamatay tayo sa gutom at baho rito." "Sino ba kasi ang nagdukot sa atin? Bakit dinala nila tayo sa lugar na ito?" "Hindi kami sigurado Angel ngunit malaki ang posibilidad na may kinalaman si Joan, Si Joan Salvacion." Sobrang seryoso ng boses ni Galvez. "Si Joan Salvacion?" *** "Teka-teka. Mabilis na nakalapit si Kristen at inilayo niya si Angel. Matagal bago ako makahuma sa ginawa ng dalaga. "Kahit maligno pa siya ay Lolo ko parin 'yan. At pamilya namin siya." Tumaas na rin ang boses ni Tyler. "Ty, hindi nga 'yan ang Lolo mo di'ba?" Nai-stress ako sa dalawang

