Chapter 32: Mapanganib na Plano Wala na kaming sinayang pa na panahon. Matapos kaming tanungin ni SPO1 Lao ay umalis na na kami kaagad sa presento. Abot langit ang aking pag-aalala kay Angel. May sugat pa ito at siguradong mabibinat ang dalaga. Ang higit na kinakatakot ko ay baka mayroong gagawing masama ang kriminal sa dalawang babae. Napatay na nito si Jeson at hindi malayong baka sila rin ay papatayin. "Sir, wala na bang ibibilis itong sasakyan ninyo?" Hindi mapakali si Tyler. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala kay Angel. May selos ma'y naramdaman ngunit hindi na iyon importante. Kung saan mas masaya ang dalaga ay doon ako. After all, this is not a competition. You cannot force someone to love, you cannot dictate their hearts and you cannot magic everyone's feeling j

