Chapter 30: Galit! Pagkatapos na maibigay ni Mrs. Gonzales ang aming kailangan ay medyo nagtagal pa kami. Doon na kami nananghalian at nagku-kwentuhan. Marami silang ipinakita sa aming mga litrato ni Anthony. At ang bait niyang anak. Sayang at hindi ko siya nagawang makilala noon. Eh, senior ko pala siya, pati na iyong isa pang nawawala na kasunod lang ni Anthony. Pasado alas tres na ng hapon nang maisipan naming umalis na ni Kristen. Nauna kaming lumabas ng bahay kasama ang babae. Hinintay pa namin ang ginang na lumabas kasi nag-cr na muna ito. "Kuya, ate." Sambit ni Belle. Napatingin kami sa kanya at nakayuko lang siya. Tila may gusto siyang sasabihin sa amin ngunit mayroong bumabagabag sa kanya. "Ano 'yon Belle?" Ako na ang nagkusang nagsalita. "puwede mong sabihin sa amin ang b

