CHAPTER SIX

2996 Words
Chapter 6: Unang Babala  Pagkatapos naming kumain ni Tyler ay nagtungo na kami sa last subject namin for this morning. Not related sa aming course ngunit kailangan kunin dahil importante rin iyon. More on creative writing siya so kaliangang pasukan. Kapag bagsak kami nito ay hindi kami makakauha ng higher subject dahil pre-requisite siya. Kaya kahit ayaw ko mang pumasok wala na akong magagawa pa. Sabay kaming pumasok ni Tyler sa room at nagtungo sa likuran. As always, sa likuran talaga kami umuupo. Hindi ako komportable kapag sa harap ako, si Tyler naman napi-pressure siya sa professor. Pagdating ng aming prrofessor ay naging tahimik na ang lahat. Wala itong sinabi tungkol sa pagkawala ni Calvez kaya mas naging smooth ang aming discussion. Sobrang nabibiliban ako kay Professor Kumatsu, isang Japanese na may twenty-five percent blood Filipino. The way he delivered the lesson halatang sobrang expert ng professor.  Ni hindi ko nga siya nakikitang may dalang book or laptop sa kanyang pagtuturo. Sobrang hands on niya at ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal ang subject na tinuturo, iyon ngalang ay sobra siyang makalat. Ang daming powdered chalks sa kanyang kamay at uniform. Kung gumagamit naman siya ng white board iyon mga marker ay sandali lang niya nagagamit. Nauubos lahat! Ang dami niyang application sa harap namin. Minsan na niyang nasabi na mas prepared niya ang may hahawakang chalk or whire board marker kumpara sa power point na sumasakit lang daw ang kanyang mga mata. “Mr. Arbutante.” Biglang tawag sa akin ni Professor Kumatsu kaya napaupo ako ng tuwid. Hindi ko siya inasahan na tawagin ang aking pangalan, “stand up please,” pakiusap niya. Napalunok ako ng aking laway at kinakabahan na tumayo. Ni di ko magawang ngumiti sa kanyang harapan dahil nakaharap ang iba kong mga kaklase. “If you gonna write an essay.” Shocks! Last meeting na topic namin to, “how will you write it in your way?” Tipid na ngumiti ang professor sa akin. Muli ay napalunok ako ng laway, “hmm, professor...” Napahinto ako. Takti, kinakabahan ang dibdib ko. Hindi ako sanay mag-oral recitation. “ If I will write an essay, I think...” Pinutol niya ako sa pagsasalita. “I think?” Balik niya, “so it means hindi ka sigurado sa iyong gagawin.” Napabuntong hininga ako, ito na nga ba ang sinasabi ko, eh, “I mean, if I will write an essay. In my first paragraph I’ll begin it with a drama like famous line in books, movies or speeches because it's how you caught the readers. And in my body, I’ll discuss everything precisely and concised. I will be putting a statitistics and numbers to show that it is legit and not all opinions and by that I can have strong ang powerful statement. And in my last part, it should answer or connect on the beginning and body of my essay...that’s-that’s all about Professor.” Nanginginig ang buo kong katawan. Uupo na sana ko nang may supporting question pa siya. “Why would you begin it with famous lines?” “Hmm, because using questions are common, Professor Kumatsu.” Iyon naman diba? Madami na akong essay na nababasa and it all begins with questions. "So are you saying na mali ang paggamit ng ganoon Mr. Arbutante?" Walang pressure sa pananalita ni Professor Kumatsu parang gusto niyang i-defend ko ang aking sagot. Tangna. Ako yata ang pressure na pressure rito. "No sir, hindi ko naman sinasabing mali 'yon and in fact hindi talaga 'yon mali, pero kung sa akin lang. Why would I take the idea of other people when I can make on my own. I'm saying that we can be more unique to ourselves." “Thank you, Mr. Arbutante, that’s brilliant.” Puri ng Professor. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsabi ng walang anuman. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na nga lang at nakikinig ako sa kanyang lessons at ang mga natutunan ko sa University at pinag-aaralan ko minsan sa bahay. If possible ginagawan ko ng ibang examples o hindi kaya mas pinag-aaralan ko ng malalim. Maluwag ang aking dibdib na napaupo. Para akong nabunutan ng tinik. Akala ko ay babanatan ako ng professor because I'm just being true to myself. "Ang galing mo, ha. Akala ko di ka na sasagot kasi panay lunok ng laway mo at nanginginig iyang tuhod mo." Pabulong na wika ni Tyler at ngiting-ngiti pa siya. Parang gusto pa yata niya na wala akong masagot at mapagtawanan ng iba. "Mabuti nalang at napaka-articulate mong sumagot," dagdag ng mokong. “Okey, please get one-eight sheet of paper for our one mystery quiz...” Utos ng professor, “our quiz is related sa magiging discussion natin this Friday.” Dagdag niya. “Here.” Binigyan ako ni Tyler ng papel. “Thanks.” Pasasalamat ko at itinuon ang sarili sa harapan. “This question, I got this to our friend Mr. Google in Do or Die website. If you are fun of browsing and reading you can probably answer this one in seconds.” Ngumiti si Professor Kumatsu, “okey, here’s the riddle... One winter day, there was a man standing in the middle of someone’s front yard. The person stayed there for several weeks without moving and the owner of the yard didn’t mind. Eventually the man left. Who was the man?” Sandali akong napaisip sa riddle. Sa riddle na ibinigay ng professor ay may winter and then ang tao ay nanatili ng ilang linggo. Most probably ay hindi iyon tao. Kung tao iyon edi umalis na kaagad. And then ang may ari nong lupa ay hindi niya ito pinansin. Winter tapos nanatili nang matagal. “Pass your paper.” Ani ni Professor Kumatsu. Shit! Kailangang may masagot ako. Nilingon ko si Tyler, mukhang wala rin itong masagot. Inisip ko naman ulit. s**t! Ano bang meron kapag winter? “Olaf.” Biglang bulong ni Tyler kaya napatingin ako sa kanya. Naipasa na nito ang kanyang papel, “si Olaf ng frozen.” Balik niya. Wala na akong choice. Sinulat ko si Olaf. Nakahinga ako nang tanggapin iyon ng estudyante mula sa aking harapan. Muli kong inisip ang tanong, baka si Olaf nga ang sagot dahil winter may snow. Tapos si Olaf anak ni Elsa! Tama ba ‘yon? Haist, hindi kasi ako nanonood ng mga Disney cartoons. “What’s the answer?” Tanong ni Professor Kumatsu. “Snowman!” Sagot ng mga kaklase ko. “Correct...class dismissed.” Inis na tiningnan ko si Tyler. Ngumingiti siyang nakatingin sa akin at wari’y hindi niya alam ang kasalanan sa akin. “Mabuti nalang at nabigyan kita ng clue.” Proud na proud niyang wika sa akin. Inayos nito ang kanyang gamit at isa-isang ipinasok sa bag. “Ha?” s**t! Ang bobo ko! Napahilamos ako ng mukha sa sinabi ni Tyler. I can’t believe it! “Bakit? Ano ba ang isinagot mo?” Natatawa niyang tanong. “Don’t mind it.” Tumayo ako. “Tara na.” Wika ko sa kanya. Mamayang alas dos pa ang pasok namin  kaya tatambay na muna kami kung saan namin gusto. “Sagutin mo muna ako.” Napatayo na rin si Tyler at handa na siyang umalis. Bumuntang hininga ako. Tiningnan ko muna ang paligid ng room. May natitira pang isang estudyante at hinintay ko muna itong makalabas. “Hoy.” Diko siya pinansin. Hindi pa kasi lumalabas ang babaeng estudyante. Inaayos pa nito ang kanyang gamit. “Type mo?” “Sira ka talaga, alam mo namang wala akong balak na pumasok sa isang relasyon.” Basta usapang relasyon ay si Papa ang aking sinusunod. Bukod sa napagabait ng aking ama, mahal na mahal pa nito si Mama. “Ano na.” “Olaf.” “Hahaha!” Sobrang laki ng tawa ni Tyler halos pinuno na niya ang buong silid, “gago ka, bakit Olaf ang isinulat mo. Ang buong akala ko ay magi-gets mo ang clue ko.” Natatawa pa rin niyang wika. “Whatever.” Inirapan ko siya at lumabas sa room. "Hindi na ako nakapag-isip ng tama dahil sobra akong napi-pressure sa time. Eh, kung hindi pa sana pinapasa ni Professor Kumatsu ay may tama akong masasagot." "Ay sos, kunwari ka pa. Ang sabihin mo hindi mo talaga alam at final na iyong naisulat mong Olaf. Naku, kapag nabasa iyon ni Professor Kumatsu at tatawa 'yon ng tatawa sa'yo. Ang ganda momg sumagat sa oral recitation tapos kulilat ka sa quiz." Mahabang niyang turan. "Oh tapos? Masaya ka na?" Irap ko kay Tyler. "Hindi ko lang magawang  maka-get over sa sinagot mo." Tawang-tawa pa si Tyler at mukhang wala talaga siyang balak na tumigil. Iniinis niya ako sa kanyang ginagawa ngunit hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil aminado akong, ang bobo kong tao kanina! "Tara na nga. Tumahimik ka na diyan," giit ko at kinaladkad siya palabas ng room. Palakad na kami sa hall way nang makasalubong namin ni Tyler si Professor Sotto. Nagulat ito nang makita niya kaming dalawa na magkasama ngunit agad rin namang nakahuma. “Goodnoon Prof.” Sabay naming bati ni Tyler tiyaka bahagyang ngumiti. “Goodnoon.” Balik niyang bati sa amin ngunit sa akin siya nakatingin. “Tyler, can we talk?” Ani ni Professor Sotto. Nagulat si Tyler, “ako po?” Itinuro pa niya ang kanyang sarili na parang kinakabahan. “Yes, tungkol ito sa grades mo sa aking subject.” “Ganoon po ba.” Humarap si Tyler sa akin, “kita nalang tayo mamaya, Gab,” aniya. “Sige.” Tipid kong wika. Muli akong napatingin kay Professor Sotto, ganoon parin ang tingin niya sa akin kaya ako na ang nag-iwas. Sobrang weird niya. “Mauna na po ako sainyo.” Paalam ko at dali-daling naglakad. Hindi ko na nilingon pa sila Tyler at Professor Sotto. Sa tingin ko’y umalis na rin ang mga ito. Minabuti kong magtungo muna sa cafeteria at kumain. Planong ko na sa library nalang muna tumambay pagkatapos kumain. Tutal mamaya pa naman ang simula ng first period sa hapon. At maganda din sa library kasi napakatahimik. Pagpasok ko sa cafeteria ay sobrang dami ng estudyante. Pati ibang mga professor ay doon rin kumakain. Pumunta ako sa counter para mag-order ng pagkain. Napadungaw ako sa taas para tingnan kung ano ang available ngayon. Sobrang daming pagkain na masasarap ngunit pinili ko ang soy sauce fried rice at crispy fried chicken. “Isang soy sauce fried rice at crispy fried chicken.” Ani ko sa crew, “samahan ko rin ng bottled water.” Tipid akong ngumiti. "Sige, for a moment sir." Sandali akong naghintay sa aking order. Palinga-palinga ako sa paligid baka makita ko ang babae sa aking panaginip. Sobrang umaasa talaga ako na makikita ko siya at makuha ang kanyang pangalan. At maging kaibigan narin. “Hi, Gab.” Nagulat ako nang may biglang bumati sa akin. Mula sa likuran ko at tumabi ng tayo sa akin si Angel.  Ang ganda niya talaga. I just don’t know if may boyfriend na ba siya. “He-hello.” Nauutal kong bati sa kanya. Naamoy ko ang mabango niyang buhok at napakasarap niyon sa ilong. “One of cup rice and pork adobo sa akin...samahan ko na rin ng coke 8 oz.” Order ni Angel at tumingin siya sa akin para lang ngumiti. Hindi ko alam ngunit parang iba ang epekto ng ngiti niya sa akin. “Sino ang kasama mong kumain?” Malambing niyang tanong at ngumiti na naman. “Wa-wala, ako lang mag-isa, wala kasi si Tyler, eh.” Sagot ko sa kanya. “Oh.” Naitaas niya ang kanyang kanang kilay, “sayang, gusto kitang kasabay kumain ang kaso kasama ko ang aking mga kaibigan.” Napatingin siya sa aming likuran at ganoon din ako. Nandoon ang mga kaklase ni Angel na nagkataong kaklase rin namin ni Tyler sa subject ni Professor Marcus. “Okey lang.” Ngumiti ako sa kanya, “maybe next time?” Tinanong ko siya. s**t! Why am I acting like this. Sobrang weird ng pakiramdam ko. “Your order.” Ani ng crew. Sabay nitong inilapag ang aming order. “Paano, see you.” Ngumiti ng napakatamis si Angel na ikina-off guard ko. Bakit ganoon siya sa akin? “Si-sige.” Kinuha ko ang aking pagkain at binayaran iyon. Pagkatapos ay naghanap ako ng bakanteng table. May nakita akong bakante sa bandang sulok kaya doon ako pumwesto. Kaagad kong inilapag ang aking bag sa upuan. Paupo na ako nang may nahulog na papel mula sa bulsa ng aking bag kaya pinulot ko iyon. Umupo muna ako at tiningnan kung ano ang nakasulat sa papel. Baka quiz result ko lang. Nang buksan ko ang nakatuping papel ay kaagad nitong naagaw ang aking atensyon. Hindi ko iyon papel at iba ang penmanship. Ngunit doon ako kinilabutan sa mensahe. “Mag-ingat ka! Huwag magtitiwala kahit sa sino mang tao rito sa Ubiversity. Possibleng ikaw ang isusunod nila.” Nabitawan ko ang papel matapos kong basahin. Kaagad akong kinabahan. s**t! Sino ang naglagay ng papel sa aking bag? Unti-unti nagsilabasan ang aking mga pawis sa sobrang kaba. Hindi ito magandang biro kung sinuman ang naglagay ng papel sa aking bag. Mabilis kong kinuha ang papel at pinunit ko iyon. Patingin-tingin ako sa paligid. Busy ang lahat, hindi ko mawari kung sino ang naglagay niyon. “Gab.” “Oh shit.” Napatalon ako sa aking kinuupuan nang gulatin ako ni Tyler. “Are you okey?” Mabilis kong itinago ang papel sa aking uniform at inayos ang sarili, “yeah, ginulat mo ako.” “Wow. Kailan ka pa nagiging magulatin, ha?” Inilapag ni Tyler pagkain niya at umupo sa harap ko. “May pagkain ka na?” Ang bilis naman yata niyang maka-order. “Oo...” Sagot ni Tyler, “kanina pa ako kaway ng kaway saiyo ngunit hindi mo ako nakita.” Nag-umpisa na siyang kumain. “Teka, ano ba kasi ang bumabagabag saiyo?” Medyo curious niyang tanong. “Ha? Wala, iniisip ko lang ang nangyari kay Calvez. Medyo nakakatakot rin.” Ani ko. Hindi ko puwede sabihin sa kanya ang tungkol sa papel. Baka binibiro lang ako kung sinuman ang naglagay. Pasimple kong pinunasan ang aking mga pawis sa noo. “Oo nga, eh.” Aniya, “alam mo huwag mo na iyong isipin, kumain ka nalang.” Tama si Tyler. Ngunit hindi talaga mawala sa isipan ko ang nakasulat. Tiningnan ko lang si Tyler habang enjoy na enjoy ito sa pagkain. Bigla kong naalala na masinsinan pala siyang kinausap ni Professor Sotto. “Wait muna.” Pigil ko sa kanya nang pasubo na siya ng kanyang pagkain, “kumusta ang pag-uusap ninyo ng professor?” “Ha? Ay wa-wala, may tinanong lang siya,” aniya. “Ano naman?” Medyo curious ako. “Ha?” Mukhang di niya narinig ang tanong ko. “Ang sabi ko ano ang sinabi niya saiyo?” “Ahh, kinausap niya ako tungkol sa quiz, bakit raw maliit ang score ko.” Aniya at kumain ulit. “Iyon lang?” Sobrang napakababaw naman ng rason ni Professor Sotto para kausapin si Tyler ng ganoon. “Oo, kaya kumain ka na diyan.” Hindi ko nalang siya kinulit pa baka iyon lang talaga ang dahilan ng Professor kay Tyler. Baka sobrang liit ng mga score ni Tyler kaya nababaha ang Professor sa kanya. Pagkatapos naming kumain ni Tyler ay sobra inanyaya ko siyang magpunta muna kami ng library. Bukod sa magtatambay ako roon para maka-free wifi ay may hahanapin akong libro. At magbabakasakali na namang makita ko siya. Baka this time ay makiayon ang panahon para sa aming dalawa. “Alam mo, mabuti nalang rin at sumama ako saiyo papuntang library,” ani ni Tyler. “Wala ka naman kasing ibang pupuntahan at isa pa malayo pa ang klase natin.” Mamayang alas dos pa. “Kaya nga tapos may hahanapin akong libro.”[K2]  “Libro?” Tanong ko. “Oo, libro as in book.” Minsan ang labo rin nitong kausap. Ang ibig ko lang naman sabihin ay kung anong uri ng libro. Hindi ko nalang siya tinanong pa. Baka may iba siyang pagagamitan o hindi kaya mag-aaral lang ito. Pagdating namin sa entrance ng library ay kaagad kaming hininga ng ID ng guard at binigyan ng susi sa locker. “Bawal dalhin ang bag ninyo sa loob, ballpen, notebook, papel, cellphone at laptop lang ang puwede. Baka may ipasok pa kayo sa inyong bag.” Bilin ng guard sa amin at inakaso nito ang mga papasok pa. Tumango nalang kami ni Tyler bilang pagsang-ayon. Ilang beses na ba namin narinig ang kanyang mga paalala. Five years na kaming nag-aaral rito kaya alam namin ang mga dapat at hindi sa University. Ang bagay na hindi lang namin alam, siguro, iyong mga sekreto ng University na ito. Well, I’m saying na may tinatago sila pero hindi iyon maiiwasan. Like corruption o mga complaints ng isang student na kinausap lang ng masinsinan, ayon! Tapos na! Problem solve! Kumuha ako ng isang locker at ganoon din si Tyler. Magkatabi lang ang mga locker namin kaya nakikita ko kung ang kinukuha niya sa kanyang bag para dalhin sa loob. Una niyang kinuha ay isang ballpen at nootbook. Kasunod naman ay ang cellphone. Aksidente niya itong nabuksan ang screen kaya nakita ko ang isang lumang picture. Malabo iyon at walang kulay kaya diko makilala  kung sino ang nasa litrato ngunit sigurado akong babae 'yon. Maybe Mama niya o Lola. “Tara na.”  Sumunod ako sa kanya, cellphone, ballpen at notebook ang dinala ko. Nauna siyang pumasok sa loob ng library. Bumungad sa amin ang malamig na air condition at mabangong air freshener. Sobrang lawak rin ng aming library. Bukod sa may maraming libro. Puwede rin kaming gumamit ng computer for research and assignment. Of course hindi lahat ng estudyante mayaman kaya malaking tulong ang library sa mga kapos palad. Sa aking parte, hindi nko masasabing mahirap kami at hindi ko rin asasabing mayaman kami. Kumbaga ang estado ng aming pamilya ay nasa gitna. Minsan nagiging mayaman o di kaya minsan naghihirap din kami. “Punta muna ako sa doon na side.” Paalam niya sa akin at nagtungo sa kanang bahagi ng library, sa mga thesis books siya nagpunta. Baka may mahalaga lang siyang babasahin o kukunan ng impormasyon for some purpose. Ako naman ay minabuti kong halughugin ang library gamit lang ang aking mga mata. Baka makita ko siya rito. Ngunit wala siya, parang nadisymaya ako. Kunti lang naman. Nagtungo ako sa isang librarian na babae para humingi ng password ng wifi. Mukhang magi-internet nalang muna ako. Bigla akong tinamad sa pagbabasa. Baka makakatulog lang din ako. “Please fill out what’s being asked in the record notebook.” Ani ng librarian at binigay ang record notebook sa akin. Kinuha ko ang ballpen sa aking bulsa at nag-umpisa nang magsulat. Basic information lang naman ang hinihingi. Pangalan ko, course and year tiyaka signature. “Tapos na po, Ma’am.” “Next time, you need to speak in english.” Ani ng librarian, “ito na.” Binigay nito ang password. Takti, ang sungit naman ng babaeng to. Speak english raw, eh, Agosto ngayon tapos buwan ng wika dapat Wikang Filipino ang isinusulong ngayon. Haist, minsan, over na rin sila. Ganoon paman ay nagtungo ako sa couch at umupo. Sa pinakadulo ay may estudyanteng nakaupo. Panay ang ngiti nito habang nakadungaw sa kanyang cellphone. Sa tingin ko’y nanonood lang ito ng youtube. At iyon din ang aking gagawin. Pagbukas ko palang ng aking cellphone ay bigla kong naamoy ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Nagpatingin-tingin ako sa paligid. s**t! Baka nandito siya. At...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD