Teaser

317 Words
Maingay ang paligid sa masigabong palakpakan na nililikha ng mga tao. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng piano at yumukod sa harap nila. Nakangiti kong minasdan ang Daddy ko na siyang tanging um-attend sa recital ko. But I understand my mom, she couldn't leave my twin brother, Klode, alone. Seeing my father's proud face makes my heart ache because right now, I don't deserve it. Sa mga mali kong nagawa, sa mga hindi ko pakikinig sa mga bilin niya, ito ako ngayon at nangangapa sa susunod kong hakbang na gagawin. Where are you... Nilibot ko ang tingin sa paligid umaasang makikita ko siya. Umawang ang labi ko nang makita ang bulto ng katawan na papalabas sa hall. Even without seeing his face, I knew he's the person I'm looking for. "Miss Leighrah Claudine?" Napalunok ako at hindi na nagawang tanggapin ang inaabot na bulaklak sa akin. Mabilis akong tumakbo pababa ng stage hindi na pinansin pa ang malakas na pagtawag ng ama ko sa pangalan ko. Nang makalabas ako sa theater hall, agad kong iginala ang tingin sa paligid. Nangilid ang mga luha ko nang hindi siya makita. Tinakbo ko ang field umaasang nandoon siya pero napahikbi ako nang wala rin siya sa palagi niyang tinatambayan. "Dark Carter!" Please...magpakita ka! Paulit-ulit kong sinigaw ang pangalan niya walang pakialam kung pagbulungan at pagtinginan ako ng mga mangingilang estudyante sa paligid. Nanghina ang tuhod ko at napasalampak sa lapag. Tila isang eksena sa pelikula na bumuhos ang malakas na ulan sinasabayan ang paghihinagpis ko. "I lied when I told you I didn't want to see you again! I'm begging you! Please let me see you again! I need you! We n-need to talk!" hagulgol ko. Napahinto ako sa pag-iyak nang sa nanlalabong paningin ay makita ko ang pares ng sapatos sa harap ko. Nanghihina na inangat ko ang tingin puno ng pag-asa na makikita ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD