#EmbracingDarknessCH23 Vampire "Hey, masyado nang mahigpit ang kapit mo sa braso ko. Baka matanggal mo na 'yan." Napanguso ako sa sinabi ni Dark at niluwangan ang pagkakayapos sa braso niya. "I can't see anything kasi. Please bear with me..." Pumalatak siya. "You should stop going to dark places, since bulag ka naman sa dilim." "But there's fun in dark places, right?" bulong ko. I heard him chuckled. Napangiti tuloy ako. Another laugh because of me. I'm so magaling talaga. "May fun ka pang nalalaman, the last time you almost died because of your asthma dahil sa fun na sinasabi mo." Napangiwi ako at hindi na nakakibo pa. Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay makaupo na kaming dalawa pero nagtaka ako nang maramdaman ang pagtayo ni Dark. "Saan ka pupunta?" natataranta kong tan

