#EmbracingDarknessCH30 Disappointed She's my girlfriend... She's my girlfriend... Kinurot-kurot ko ang braso ko at mahinang sinampal-sampal ang pisngi ko habang paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Dark sa isipan ko. "You're not dreaming, Claudi, stop doing that." Napatingin ako kay Tiara na inagaw sa akin ang stuff toy na si Spongebob na pinagpagan pa niya at inayos-ayos. "Grabe kang makapisil kay Spongebob, pinanggigilan mo. Kilig na kilig pa din?" taas-kilay niyang saad. Inagaw ko muli sa kanya si Spongebob at niyakap. "You're there right? You saw it? You heard it? He asked me to be his girlfriend!" "Yes, yes, and yes. Nandoon ako at na-witness ko kung paanong hindi ka man lang nagpakipot at pumayag na maging girlfriend niya." Napanguso ako sa tono ng boses niya na tila h

