#EmbracingDarknessCH35 My girlfriend Tangkang aalis na ako kahit labag 'yon sa loob ko at iiwanan sila nang matigilan ako sa paghakbang nang may humawak sa kamay ko. Napalunok ako nang malingunan si Dark na seryosong nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay namin na pinagsalikop niya pa isa-isa ang mga daliri namin. "Hindi ako sasama sa kanya," saad niya dahilan para magsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. Hinarap niya si Helene na tila hindi makapaniwalang pinakatitigan siya bago pagak na tumawa at umiling-iling. Kita ko ang sakit sa mga mata niya. "I-I can't believe you, Carter. Matagal mo nang gustong makita si Tita Cheska--" "Yes. Matagal ko nang gustong makita siya at alam na alam mo 'yon, pero alam mo ang hindi ko gusto, Helene. Iyon ang gamitan ako ng kahinaan ko pa

