Angelu cooked a snack for everyone, and Timothy went to the living room to eat the snack she had prepared. Timothy sat next to Juliet, who is no longer shy around him, and they got along well. Meanwhile, Angelu sat next to Jolo. Spaghetti ang niluto ni Angelu, na paborito raw ng kambal saka gumawa rin ang dalaga ng orange juice. “Oo nga pala, nakalimutan kung magtanong kanina nang magkita-kita tayo. Kumusta ang pagpapakilala mo sa kambal kay Kiana?” tanong ni Angelu kay Timothy. Gusto sanang hindi pansinin ni Timothy ang tanong ng dalaga dahil naiinis na naman siya rito sa huli nilang pag-uusap kaya lang dahil nandiyan ang kambal, ay kinailangan niyang sumagot at huwag ipakita ang inis sa ina ng mga anak. “Good,” tipid na tugon niya. “Good?” tanong ni Angelu, na halatang nabitin sa tu

