“MAHAL, gustong makita ni Mama ang kambal at doon na muna kami sa penthouse kasama si Kiana. Hindi pa ako pumapayag kasi gusto kong magpaalam na muna sa’yo dahil ayoko namang magalit ka,” paalam ni Timothy kay Angelu habang nasa kwarto sila. Maagang umuwi si Timothy galing sa trabaho at nang matapos nilang makapaghapunan, ay nagpahinga na sila sa kwarto habang ang mga bata ay nasa kwarto na rin ng mga ito. “Kapag ba hindi kita pinayagan pati ang mga bata ay hindi ka pupunta?” nanunubok na tanong niya kay Timothy. Hindi nakapagsalita si Timothy kaya tinitigan na niya ito saka tinaasan ng kilay. “Oo naman. If you don't want it, we won't go. I'll make excuses to Mama about why I can't grant their request,” tugon nito. “Paano kung sumama ang loob ng Mama mo? Sa tingin ko, ay gusto lang

