HINDI napigilan ni Angelu ang mga luha sa mga mata niya sa lahat ng mga sinabi ni Jin sa kaniya. Ngayon niya napagtanto na wala talaga siyang ginawang kamalian sa mga taong nanakit sa kaniya at kaya niya naranasan ang lahat ng sakit na iyon dahil nagmahal lang siya sa taong hindi naman niya lubusang kilala. “Humarap ka na lang sana noon sa akin at sinabi mo na lang sa akin ang lahat kaysa sinaktan mo ako ng sobra. Kung hinarap mo naman ako noon ay siguradong hindi na kami noon aabutan ng isang-taon sa relasyon namin ni Timothy, wala na sanang nangyari pa sa amin noon at hindi na sana ako nasaktan nang sobra dahil sa ginawa mo. “Alam mo naman na wala talaga akong ginawang kasalanan sa’yo noon, eh, naging mabuti at tapat akong girlfriend sa’yo kahit sa dalawang buwan nating relasyon bago p

