Pakatapos kong kumain ay nag imis muna ako ng apartment ko bago naglinis ng sarili ko at nahiga sa aking kama, hindi pa man natatagalan ang pagdampi ng likod ko sa kama ay nag ring ang phone ko. It is no other than my mom HAHA wala namang iba na may contact sakin e, kung meron man sila ate Maya and kuya Miko lang family driver namin saka kasamahin namn ni mom si ate Maya sa bahay.
I answered the call.
"Yes mom? good evening" panimula ko kay mom
"Hello good evening nak, kamusta first day of school mo?" Balik ni mom saakin
"Ok naman mie, wala naman po kaming ginawa baka daw ho next week pa ang regular class " kwento ko kay mom
"Osige nak, oo nga pala Dani anak pag may mga patawag sabihan mo nalang si mommy ha. Alam mo naman na medyo madami din si mommy na ginagawa pero syempre ikaw ang priority anak" halata ang pagod sa boses ni mom hayss
"Mom ok lang po kahit hindi kayo umattend, wag nyo na po akong kaisipin para saan po ba yung mga training ko kung hindi ko gagamitin? HAHAHHAHA" Medyo kinukulit ko lang naman si mom
"Naku Dani haaa! Tigilan mo iyan at hindi para don ang mga pinag aralan mong defense, saka hanggat kayang iwasan nak iwas ha" hayss halata talaga ang lungkot sa boses ni mie
"Opo mie, kayo po kamusta? And about kay dad, any updates po?" tanong ko kay mom, sa panahon ngayon ako lang ang maaaring sandalan ni mom kaya dapat na maging matatag ako
"Ok lang anak, medyo napadami lang ang meetings halos importante kasi" tugon ni mom
"Ok mom pero hindi po masama mamahinga huh saka po pala yung vitamins nyo wag nyo kalimotan huh" para lang talaga kami magkaibigan ni mom, pinapakinggan nya yung side ko and syempre ganon din ako sa kanya
"Opo HAHAHA osige na anak at maaga pa ang pasok mo bukas, sigurado ka ba na ayaw mo ng service? " lukaret din talaga ito si mom hehehe pero mahal ko iyan kahit anong mangyare
"Yes mom, hindi ko na po kelangan saka ayaw nyo po non na eexercise ako sa paglakad lakad, owsige na po mom at kailangan nyo din mamahinga ng maayos" sa totoo lang hindi ko naman ninais na magkaroon ng sasakyan, una hindi ako marunong mag drive pangalawa pag iisipan ako ng kung ano ano ng mga nakakakilala sakin.
"Ok anak, basta ha mag iingat ka lagi. Iloveyou." Paalam ni mom sa aming tawagan
Nagpaalam na din ako at hinintay ko nalang na patayin ni mom ang tawag hindi ko alam pero ayaw ko na ako ang unang magpapatay ng tawag kay mom para kasing bastos, para saakin huh.
Inayos ko lang ang mga gagamitin ko bukas bago matulog para hindi ako tanghaliin ng pagagayak sa pagpasok kinabukasan.
Kinabukasan maaga akong nagising para magready ng sarili sa pagpasok, white blouse and navy blue fitted skirt ang uniform namin ngayon , binilhan na din naman ako ni mom ng mga sapatos ko kaya no prob pati mga bags. Iniispoiled talaga ako ni mom mula noon pa pero hindi ko naman lahat ginagamit ang mga binili nya sakin gaya ng mga make up kasi kailangan ko na daw matutong gumamit non. Tinabi ko na lang iyon sa isang drawer kasi baka nga dumating ang araw na kailangan kong matuto non.
Pagkatapos kong magayak at kumain ay lumarga na ako papasok ng school.
Pakarating ko sa school ay nakangiti si manong guard, natatandaan na yata ako neto gawa nong kahapon wala pa din kasi akong i.d e ngayon ko palang kukunin nakalimotan ko kasi kahapon.
"Good morning" Bati ko sa mga guard bale dalawa kasi sila e
"Magandang umaga ineng, wala ka parin bang i.d?" Tanong ni manong guard saakin
"Wala pa po kuya, mamaya ko na po kukunin" tugon ko dito
"Ay sya sige neng at baka magshift kami mamaya ng position kailangan meron ka na bukas dahil kung hindi ay mauulit muli ang nangyare kahapon" paliwanang nito saakin
"Sige ho, salamat" ngumiti nalang si manong guard kaya naman umalis na ako at tinahak ang daan papunta sa admin upang kunin ang aking i.d maaga pa kasi kaya ngayon ko na kukunin.
Pakarating ko sa office ng admin ay nag inquire ako kung saan kumukuha ng i.d
at itinuro naman ito agad saakin ng napagtanongan ko
Paglapit ko sa babae ay tinanong ko ito kung pwede ko na bang makuha ang i.d ko pero sabi nya ay kakakuha lang ng President ng school ng i.d ko dahil daw kaklase nya ako, kaya nagpasalamat nalang ako at umalis na sa kaklase ko nalang itatanong kung sino ba iyong President na yun.
Pagdating ko sa room ay marami na ang tao roon at di ako nainform huh na pabonggahan pala dapat dito ang makeup and mga gamit, kaya ng pagbukas ko pa lang ng pinto ay naagaw ko ang halos na atensyon nila. Grabe makatitig huh kala mo diring diri, lumakad nalang ako papunta sa upoan ko
Hindi ako masyadong komportable sa uniform ko feeling ko masyado masikip saka maikli haysss, hindi naman mapagkakaila na malaki ang hinaharap at pwet ko pero feeling ko iba talaga ang tabas ng uniform ko sa mga babae kong classmate. Medyo nakaramdam tuloy ako ng ilang sa mga tingin nila saakin habang papalapit ako sa silya ko.
Nang malapit na ako ay doon ko lang napansin na andoon narin pala si Mr. Hangin at seryoso ba ito? Nagbabasa sya ng libro? Hays whatever, ng makalapit ako sa upoan ko ay naupo na ako at nagmasid sa buong room, humahanap kasi ako ng mukang mabait para sana mapagtanongan
Palinga linga lang ako ng mapansin ko na kunot noong nakatingin sakin tong bruho na to haysss problema neto? Umiwas ako ng tingin but i cant resist him nakakakilabot naman kasi makatitig e, ano galit na galit? Umiwas ulit ako pero sa pangalawang pagkakataon ay hinawakan nito ang braso ko.
"A-ahhh may problema ba?" Ako na ang naunang magsalita at nagtanong
"Nothing" sabay bitaw sa braso ko at ngumisi, hinayupak talaga e no? Pero tamang tama at sta nalang ang tatanongin ko
"Ok, kilala mo ba ang president ng school?" Sinamantala ko na ang pagkakataon
"What do you need from him?" Tanong neto na nakangisi padin at napansin ko na kanina pa ito nakatingin sa may dibdib ko, nakakainis na hayss kung hindi ko lang kailangan ng mapagtatanongan hahayaan ko nalang mapanis ang laway ko dito
"Hmm may itatanong lang sana, lalaki pala?" Tugon ko dito ng walang kahalong emosyon, medyo tumaas naman ang kilay nito kala mo talaga ulaga to e
"About what?" Hays puro tanong nakakainis
"I.d" yun nakang sinagot ko napupuno na ako e
"Ah yun ba? Whats your name?" Tanong neto sakin, at bakit naman nya tinatanong? Intresado ?
"Bakit?" Bakit ko naman kasi sadabihin? Saka di ba nya narinig kahapon? Hayss
"Whats your name?" Luh inulit ? HAHAHA pero teka naiinis na ba to? Nagpantay kasi ang kilay e
"Eh bakit nga kasi?" Hindi ko sasabihin ano sya gold? Bahala sya dyan
"Ah-huh fine, don't you dare talk to me Ms. Hawak" sabay ngisi neto, bipolar ang yawa mukhang may dalaw ahh dinaig pa ang buntis sa mood swings e
Nakita ko na binuksan nya ang bag nya habang nakatingin saakin at napansin ko na may mga lace roon, teka ! Ano? Wag mong sabihin na hayssss. Kakausapin ko sana sya kaso bilisan nyang sinara ang bag nya at umayos na ng upo sakto namang pasok ni ma'am Bella naku po naman pano ko ngayon yun makukuha? Nakakainis naman sino ba naman mag aakala na ganito kabastos na lalaki ang President ng school na ganito? Ano sya maimpluwensya at mayaman ang angkan para maging President ng school? Hays bahala na si batman
Nagpaliwanag lang si Mrs. Bella about sa mga topics to be covered ng aming 1st sem at sinabing may reporting daw pair by pair pakatapos non ay nagpaalam na ito.
Pakaalis ni Mrs. Bella ay nagsipag alisan na ang mga classmate ko para sa next sub mag bibigay daw kasi ng instruction ang prof kaya kailangan naming umattend roon.
LANCE DUKE GALVEZ POV'S
I have a concrete life and happy family feeling ko buong buo na ako na nasa akin na lahat pera, mga kaibigan, luho sa buhay at syempre babaeng pinaka mamahal ko. Pero lahat yun naiba mula ng iwan ako ni Dianne, gumuho ang mundo ko para akong mawawala sa sarili akala ko noon hanggang dulo na pero hindi pala.
Napatunayan ko na wala nga palang perpektong tao, na kahit gaano tinitingala ang tao ay may aspeto sa buhay nito ang kulang. Mula ng araw na iyon ay nabago ang aking mga pananaw sa buhay, kung dati ang pangarap ko ay magkaroon ng masayang pamilya kasama si Dianne ngayon ay wala na. Oo at bata pa kami pero handa naman akong maghintay pre, sadyang hindi lang nya nakayanan ang maghintay. Sa ngayon ay go with the flow ako, yung mga bagay na hindi ko ginawa noon ay ginagawa ko na ngayon at believe me nakakaamaze at the same time ay nakakapanliit pala pag sumusubok ka ng mga panibagong bagay sa buhay mo. Pambabae, partying, inoman, gimik even cigarettes and kung ano ano pero nasa tamang pag iisip pa naman ako para maiwasan ang drugs yun ang pinaka hiling sakin ni dad. Alam nya ang pinagdaraanan ko kaya full support sya saakin pati sina mom at ang mga kapatid ko, matatas pa din naman grades ko kahit papaano ay nagpapasalamt ako at napapanatili ko pa iyon.