Episode 2 - Massage Center

1058 Words
"Nandiyan ba si Manager?" tanong ni Hail sa kaniyang kasamahan. "Oo, nasa loob. Bakit? Magpapaalam ka na naman na mag-absent?" tanong ng isang lalaki na may ikabuga rin ang hitsura. "Ano'ng absent iyang pinagsasabi mo?!" nakaismid niyang tugon. "Ay! Ang ganda naman ng kasama mo, Hail. Baka puwede mo akong ipakilala," anang lalaki na may kasamang pa-cute sa akin. "Ay! Sorry! Hindi kayo ka-level! Halika na best friend!" sabi nito at hinila niya ako patungo sa opisina ng manager. Natawa naman ako sa inaasta ng aking bagong kaibigan dahil may pagkasuplada ito at prangka kung magsalita. Hindi ito boring na kasama si Hail, ramdam ko na magkakasundo kami. "Dito na tayo," aniya. Kumatok agad siya sa pinto. "Yes! Come in!" boses lalaki na nasa loob. "Hi, sir. Gandang gabi!" malanding boses ni Hail at para akong mapatawa sa kaniya ngunit pinigilan ko lang ang aking sarili. "Ano'ng maganda sa gabi, Hail?" pilosopong tugon ng kaniyang manager. Medyo may edad na ito pero may hitsura pa rin. "Ay! Sir, ang kasama ko ang maganda!" Pagbibiro niya at tumingin naman ang manager sa akin, mula talampakan hanggang sa aking ulo. "Definitely!" turan ng kaniyang manager. "Sir, baka may vacancy sa spa, gusto mag-apply ang kaibigan ko." "Mayroon naman, pero kailangan na may diploma at experience. May dala ka ba?. "Actually, sir, wala pa po akong diploma. About experience naman, (OJT) pa lang. Kasalukuyan pa kasi akong nag-aaral. Third year college pa ako ngayon sa kursong Doctor of Physical Therapy (DPT). Need ko lang kasing tustusan ang aking pag-aaral. Kaya naghanap ako ng side-line income." "Hmmm... kung ganoon, sige subukan natin kung wala bang customer na magrereklamo sa trabaho mo." "Talaga po, sir?! Naku! Maraming salamat, sir!" Masaya akong nakipagkamayan sa manager. "Ah, sir. May isa lang sana akong i-request kung puwede lang naman," panimula ko. "Hindi ka pa nga nakapagsimula may request na agad! Go ahead sabihin mo na." "Thank you, sir! Puwede ko bang takpan ang aking mukha? Hanggang ilong lang naman, sir." Dahil iniiwasan ko na may makakilala sa akin at makarating pa sa aking mga magulang. "Kung diyan ka kumportable, go ahead. Basta ayaw kong binibigyan mo nang problema ang business namin." "Of course not, sir! Thank you so much talaga!" "You're welcome! Puwede ka nang mag-simula ngayon at bibigyan kita nang uniporme." "Okay po, sir." "Ito ang susi sa magiging locker mo, kapag-oras ng trabaho ay bawal ang phone." "No problem po, sir. Naintindihan ko." "Good!" "Sir, magpaalam na po kami, maraming salamat talaga." "Walang problema, basta mabait at masipag ka lang sa oras ng trabaho." "I will, sir." At lumabas na kami. "Hail, maraming-maraming salamat talaga sa tulong mo," masaya kong sabi, while naglalakad kami papunta sa dressing room. "You're welcome!" nakangiting tugon niya. Hinatid ako ni Haileah sa spa at ang sabi nito ay susunduin niya ako mamaya kapag pauwi na kami. Nang nasa loob na ako ng spa ay nakita ko ang mga kasamahan ko. Marami sila at halatang naghihintay ng mga customers. Pinatawag ako ng superbisor, upang ma-briefing. Ang bawat sinasabi niya ay itinanim ko sa aking isip. Binigyan ako ng numero sa kuwarto at iyon ang magiging permanente kong pasukan kapag may customer. May dumating na isang customer at may edad na ang lalaki, sa tanto ko ay nasa sixty na ang edad nito. Dahil baguhan ako kaya ako ang unang pinigyan ng trabaho. Hindi naman ako nakaramdam ng kaba sapagkat may konting experience naman ako. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at nakita ko ang matanda na nakadapa na siya sa kama. "Magandang gabi!" bati ko agad. "Magandang gabi!" tugon ng matanda. "Magsimula na po ako, feel relaks lang po kayo, sir." "Okay, sabi mo, eh!" anang matanda. "Ano ang gusto ninyo, sir? Lotion, powder or oil? "Lotion na lang." "Okay." Nagsimula akong maglagay ng lotion sa kaniyang batok at pababa sa kaniyang baywang. Dahan-dahan kong pinisil ang kaniyang dalawang balikat na ginamitan ko ito nang smooth touch. "Yes! Yes! I like that." Tila satisfied siya. Ginalingan ko pa ang aking ginagawa upang hanap-hanapin ng customer. "Bago ka ba dito?" mahinang tanong nito sa akin. "Opo, sir. Kasisimula ko lang dito at ikaw ang kauna-unahan kong customer." "Magaling ka, pang propesyonal ang iyong ginagawa." "Paano naman ninyo nasabi?" "Siyempre, sa edad kong ito marami na rin akong napasukan na massage center." "Uhm, I see. Actually, Doctor Physical Therapy ang kurso ko at kasalukuyan pa po akong nag-aaral," pagsasabi ko ng totoo sa kaniya. "Oh really? Kaya mo ba ito ginawa para sa pag-aaral mo?" "Opo!" "Good! So anong year ka na ngayon?" "Huling taon ko na po sa kolehiyo." "That's good! Do you know? I admire young people who work hard on themselves. Nakaka-proud sa mga magulang," nakangiti nitong sabi. Ako naman ay biglang lumungkot dahil naalala ko ang aking mga magulang "Ganoon po ba? Salamat..." wala sa isip kong turan sa kaniyan. "Gusto mo ba ng extra-income?" seryoso niyang tanong sa akin. "Ay! Opo! Opo! Kaya nga ako nandito ngayon para matustusan ang aking pag-aaral." "Good! Kung gusto magpa-home service na lang ako. Para hindi na ako mapapagod sa kakabalik dito. Three times a week ako nagpapamasahe. Kung magkano ang ibinabayad ko dito ay ganoon din ang ibabayad ko sa iyo. Atleast, sa iyo na lahat," paliwanag ng matanda sa akin. "Hmmm ... puwede rin po. Malaking tulong na po iyon sa akin, sir. "Bigyan kita mamaya ng calling card at tawagan mo ako kung kailan ang free time mo. Para ipapasundo kita sa aking driver." "Naku! Salamat po, sir. Malaking tulong po talaga iyon sa aking pag-aaral." Hanggang sa natapos ang aming sesyon, at nang maisuot nito ang kaniyang damit ay saka pa niya napansin na may takip pala ang aking mukha. Bahagya siyang napangiti habang pinagmasdan niya ako. "Kahit ba mag-home service ka sa akin ay may takip pa rin ang iyong mukha?" "Ahhh … hindi na po, sir. Dito lang ito, nag-iingat lang ako baka may makakilala sa akin at makarating pa sa aking mga magulang." "Okay iyang ginagawa mo. Lalo na't nag-aaral ka pa." "Opo." "Ito ang calling card ko at ito naman ang tip mo." "Naku! Salamat nito, sir." "You're welcome!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD