KALAHATING oras lang ay nagbalik na sa unit ni Johanna si Garrett. Katatapos lang niyang gumawa ng vegetable omelet. Nang makita iyon ng binata ay kaagad nitong inagaw ang plato mula sa kanya at inumpisahang kainin bago pa man makaupo uli sa sofa sa sala. Naglabas siya ng isang karton ng orange juice, dumampot ng dalawang baso, bago sinamahan si Garrett sa sala. Bagong ligo na nga ang lalaki. Ang bango-bango ng tingnan. Suot nito ang isang pares ng kupasing maong na pantalon at puting V-necked shirt. The man was perpetually sexy. “This will be the first and the last time I’d prepare a meal for you.” Patapos na si Johanna sa pagluluto nang mabatid ang kanyang ginagawa. Pinagsisilbihan na naman niya ang isang lalaki. Hindi naman na niya maitapon ang omelette dahil hindi niya kailanman ugali

