PATUNGO si Charlie sa Gonzalgo VIP Private Hospital. Tinawagan siya ng tiyuhin tungkol daw sa sanggol na na kasali sa aksidente. Ang sabi ng tiyuhin kakausapin siya nito. At nagtataka siya kung bakit, at kahit hindi naman siya interesado ay pumunta pa rin. Hindi siya pwedeng mag alibi sa tiyuhin. Nang makapag parking ay sa dumeretso na siya sa chairman’s office. Hindi niya maintindihan ang sarili pero kinakabahan siya sa maaaring sabihin ng tiyuhin. “Uncle JC, anong po ang tungkol sa bata?” “Maniniwala ka ba na ang batang nakasama sa aksidente ay anak ng babaeng naanakan mo?” “Po? Anong ibig mong sabihin, Uncle JC, may bago na naman akong anak?” hindi na maganda ang pangyayaring ito sa buhay niya. Ang kanyang asawa ang apektado at hindi na niya ito pwedeng balewalain. “Hindi ko al

