NANATILING nakapikit si Kendra, wala siyang lakas sa mga sandaling iyon na maski ang paghinga'y hirap siya. Isang butil ng luha ang nakatakas sa kanyang magkabilang mata. "Ito na ba ang katapusan?"bulong mula sa isip ni Kendra. Nang bigla ay may maramdaman na tumulong likido sa kanyang bibig. Unti-unti ay iminulat niya ang mga mata. Nakita niyang si Trinity ito, kasalukuyang pinapatakan ng sariling dugo nito ang kanyang bibig; mula sa sinugatang palad nito. Bigla'y nakaramdam siya ng lakas, paunti-unti... Hanggang sa tuluyan na siyang nakabawi. Isang singhap at pag-ubo ang ginawa ni Kendra. "K-Kendra? Ano ng nararamdaman mo?"nanghihinang tanong ni Trinity sa pamangkin. Kasabay ng pagkapa nito sa kanyang mukha. Labis na nakaramdam ng awa rito si Kendra, alam niya na maraming tinamong

