GINAMIT niyang muli ang kakayahan upang maglaho sa isang iglap sa harapan ni Kendra. Hindi niya mawari kung bakit nagawa niyang nakawan ito ng halik. Una estudyante niya ito, pangalawa hindi sila magnobyo, pangatlo bawal siyang makaramdam ng kung ano rito. Dahil isa itong bampira, unang pagkikita palang nila ay alam na niya. Tanging lahi lang ng mga bampira ang nakakagawa ng mga nagagawa ni Kendra. Maski siya'y gulong-gulo na rin, bakit tila ang mga kakayahan na nagagawa ng bampira ay nakakaya rin niyang gawin? Ilang katanungan na nagpapagulo ngayon sa kaniyang utak na hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Marahan niyang iminulat ang mga mata, muli nasa harapan na siya ng talon. Kung saan mula sa ilalim ng tubig nito ay may daanan papunta sa mundo ng Acerria. Balak na ng binata sanang

