SA MUNDO NG ACCERIA Umahon mula sa tubigan si Driego kung saan naroroon ang nag-iisang lagusan papunta sa bawat magkabilang mundo. Muli pa niyang binalikan ng tingin ang pinanggalingan niya, bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis ang bawat hakbang niyang may bahagyang pag-iingat. Sabagay... ano ba ang dapat niyang ikatakot. Walang sino man ang nakakapasok sa loob ng kakahuyan na kanyang linalakaran ngayon. Bukod tanging siya na lamang ang nag-iisang natira sa lahi ng mga bampira na naririto sa mundo ng Acerria. Mabilis niyang iginala ang paningin pagkalabas niya ng kakahuyan, patuloy pa rin siya sa paglalakad. Hanggang sa sapitin niya ang isang sapa. Katabi ng sapa ay may matayog na bundok na naroon, tinatabingan ng mga halamang ligaw ang katawan nito na nagbigay laan para itago

