NAGISING na lang siya ng maramdaman niya ang pagtapik ng isang kamay sa may balikat niya. "Anong nangyayari sa'yo?"nagtatakang tanong ng babaeng nasa harapan niya. Ikinurap-kurap lang niya ang mata habang pinagmamasdan ang kaharap. Napapaligiran lang naman sila ng napakadaming libro, sa isip niya'y nasa isang silid-aklatan sila. "Hello Selina! tulala ka na riyan!"natatawang sabi pa nito. "H-huh?"iyon lamang ang naiusal niya. "Ano ba tulog ka pa ba, bakit parang wala ka sa sarili mo." "H-hindi naman,"matipid lamang na sabi niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa upuan. Ramdam niya ang p*******t ng likuran niya dala na rin ng matagal niyang pagkakayukyok sa kinapwe-pwestuhan. Pinagsasamsam na niya ang mga nagkalat na libro at kagamitan sa lamesa. Akmang hahakbang siya paalis ng mar

