NAPAKISLOT si Trinity ng maramdaman niya ang banayad na haplos ni Edmundo mula sa kaniyang likuran. Nasa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kaniya, madaling araw na kaya napagpasiyahan ng ihatid ni Trinity ito. Mag-isa pa naman ang lola nito sa kanilang tahanan. Bago maglakad ay marahan pa niyang tinapunan ang ilog na dinadaluyan ng talon, kung saan tumalon ang lalaki mula roon. Alam niyang daanan iyon papunta sa mundo ng Acerria, lalo siyang naghinala kung sino ang lalaki, ngayon ay unti-unti ng kumaklaro ang lahat kay Trinity. Matapos ang nangyari sa kanila ni Hanzul napagkasunduan nilang ilihim ang kanilang relasyon. Ngunit hindi rin nagtagal ang lahat, dahil mula sa kakayahang makakita ng ina niyang Reyna na si Reyla ay naibunyag rin ang lahat ng itinatago nila ni Hanzul. Ikinulon

