Chapter 23

1711 Words

“Oh, Tobby anong ginagawa mo rito? Nagkita na ba kayo ni Cherry?” gulat na tanong ni Jenny sa kanya nang makita siya nito sa shop ng mga ito. “Nandito siya ‘di ba? Kaya nga ako nagmamadaling magpunta rito eh.” Natampal ng dalawa ang mga noo ng mga ito. “Ay sus! Sabi ko na eh! Nagkasalisi na naman kayo. Sabi niya pupuntahan ka niya sa bahay niyo. Naku naman talaga kayong dalawa! Teka susubukan kong tawagan at sasabihin kong ‘wag aalis kung nasaan man siya.” Kinuha ni Althea ang kanyang telepono at tinawagan si Cherry. Sabay-sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng tunog. Naiwan ni Cherry ang cellphone nitong naka-charge. Nagkatinginan silang tatlo at napangiwi naman si Althea sa kanya. ‘Naku naman talaga Chubs! Bakit ka ba naman hindi mapakali sa iisang lugar?’ Napahilamos pa si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD