Maagang nagising si Cherry para mag-ayos at magtungo sa Dreame Cafe. Ayaw muna niyang makita si Tobby. Hindi pa kasi niya nakakalma ang sarili niya. Baka bigla na lang niyang masumbatan si Tobby. Nasasaktan pa rin kasi siya sa narinig niya mula sa labi nito kagabi. Tinawagan din niya ang mga kaibigan bago siya umalis ng kanilang bahay. Kaya naman pagkarating niya sa Cafe, magkakasunod lang din silang dumating. Agad silang pumasok sa loob gamit ang backdoor at mabilis na ini-lock iyon. “So, what happen? Kahapon lang ang saya-saya niyo ah. Tapos ngayon naman Biyernes Santo na iyang mukha mo!” agad na usisa ni Althea habang gumagawa ng kape. Ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari kahapon pagka-uwi nila ni Tobby. “So, ano give up na lang teh? Baka naman wala lang ‘yung minahan na ‘yun!” s

