[33.1] SHE'S BACK 6 months later... "I'm missing you And it's making me blue yeah I'm missing you what can I do? A thousand miles away from you~" Agad kong tinurn off ang Ipod ko saka ko tinignan ang pumasok. Si oka-san pala kasama ang dalawang nakatatandang kapatid ko. "Mizuka, gusto mo ba sumama sa amin? Mag-grogrocery kami." Masiglang sabi ni oka-san sa akin saka siya umupo sa paanan ng kama ko. "Oo nga, Mizuka. Tara, sama ka sa amin. Nag-aala-ermitanyo ka na dito eh," sabi naman ni Hiroshi nii san, older brother ko. Sa magkakapatid, wala akong masyadong kasundo kasi lagi nila akong pinagtutulungan na asarin. Si oka-san lang ang tanging kakampi ko sa bahay na 'to. "Ayoko, hindi po ako sasama. Ingat nalang kayo," saka ako humiga patalikod sa kanil

