[30] HE'S NOT HOME MIZUKA'S POV "MIZUKA..." Napablink ako ng ilang beses nang marinig ko ang firm na boses ni Derrick. Napatingin ako sa kanya sa harapan ko nang wala sa sarili. Lyza's statement keeps on bothering me. Sana naman hindi magkatotoo ang sinabi ni Lyza. "Mizuka, huwag mong masyadong isipin yung sinabi sa'yo ng alien girl na yun." Sumip muna siya sa cappuccino niya saka siya nagsalita ulit. "Ang isipin mo dapat ngayon ay kung nasaan ang asawa mo. Bakit hindi ka pa rin niya kinokontact? Imposible namang hindi niya nabalitaan ang issue tungkol sa ating tatlo?" Napabuntong hininga ako at wala sa sariling pinaglaruan ang black forest cake sa harapan ko. Wala akong ganang kumain dahil sa nangyari. Ganito ako kapag nininerbyos. Nininerbyos ako kasi out-of-reach si

