TUMUTULO ang luha ni Isabel habang pinapanuod niya ang ina na nagsasalit sa TV. She's different. Malayong-malayo sa mama na kilala niya pero gusto niya ang Mama niya. Isang palaban na babae. Noon pa naman ay wala siyang hinangad kundi ang maging masaya ang ina. Minsan na siyang nagkamali nang maniwala siya sa ama. Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang saktan ng ama niya ang kanyang ina. Kaya nga nang malaman niya ang relasyon ng ama kay Mandy ay nagrebelde siya. Alam niya kaagad na nagkamali siyang hindi niya pinaniwalaan ang ina. "Are you crying?" tanong ni Sky sa kanya kaya napatingin siya rito. Mabilis niyang pinunasan ang luha. Mabait si Sky at naramdaman niya kaagad na magkakasundi sila. "Bakit naman ako iiyak?" tanong niya kunwari. "Napanuod ko ang Mommy Joe sa TV and I'm so pr

