CHAPTER FORTY

1368 Words

HINDI MAGAWANG makatulog ni Isabel dahil sa mga sinabi ni Tito James. Oo, tumututol ang kanyang puso. Hindi niya matanggap ang kanyang nakita na may kasamang ibang lalaki ang kanyang Mama Joebbie dahil alam niyang mahal na mahal sila nito pero hindi niya rin naman masisisi ang ina kung hindi na ito masaya sa kanila. Ang totoo ay naiintindihan niya ang ina. Buong buhay nito ay inilaan sa kanila kaya sino siya para husgahan ito? Kaya nga kinausap niya si Anton tungkol sa mga ito at aminado siyang nagalit siya nang aminin nito sa kanya ang relasyon ng mga ito. Gusto niyang paglayuin ang dalawa para manatiling maayos ang relasyon ng kanilang pamilya kaya nang makita niyang may kasamang ibang lalaki ang ina ay hindi na siya nakiusap pa. Hindi niya na pinigilan ang ina. Kung masaya na ito sa iba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD