?
7 years later
Pitong taon na ang lumipas simula ng maikasal ako kay Erick at may dalawang anak na kami na sina Gabriel na anim na taon na at si Gillianne na tatlong taong gulang.
Naging maganda at masaya naman ang naging pagsasama namin ni Erick lalo na ng madagdagan pa kami sa bahay ng dumating si Gillianne sa buhay namin.
Lahat na ng masasamang ala ala na ginawa ni Erick sakin ay tuluyan ng nabura sa isipan ko dahil sa mga anak namin na nagbibigay lakas at sigla sa buong bahay.
"Mommy!" Masiglang tawag ni Gabriel ng makababa ito sa sasakyan galing ng skwelahan.
Nasa unang baitang na ito sa primary habang si Gillianne naman ay nasa kinder garten na dahil sa pamimilit na gustong mag aral na.
"How's school?" Tanong ko dito ng malapitan na ako.
"I got perfect score in my first exam Mommy" Pagmamayabang nitong sabi na kina mangha ko.
"Oh that's good" Mula sa taas ay masayang komento ni Erick sa narinig mula sa panganay na anak.
"Daddy!" Masayang tawag naman ni Gillianne dito ng tuluyan ng makababa ang Ama sa hagdan at mabilis na nagpakarga dito.
"Hello my princess" Bati ni Erick sa anak na babae saka nito hinalikan sa pisngis na kina hagikhik ng bata.
Daddy's girl si Gillianne habang si Gabriel naman ay Mommy's boy. Hindi kase ini-spoiled ni Erick si Gabriel kaya sa huli ay sakin ito naglalambing para ipabili ang mga gustong libro na hilig nito.
Habang si Gillianne naman ay kung anu ano ang ibinibili dahil nagngangangawa ito pag hindi nakuha ang gusto.
"Aalis ka?" Pagkuwan ay tanong ko kay Erick ng makita ang suot nitong pang alis.
Bigla itong nag iwas ng tingin sakin ngunit nakasagot parin sa tanong ko.
"May naiwan pa akong trabaho sa office kaya kailangan kong balikan" Sagot nito na tinanguan ko nalang kahit nawiwirduhan sa kinikilos nito.
Ilang gabi na itong nagmamadaling bumalik sa opisina nya dahil may nga importante daw siyang gawin na dapat matapos na pinagkibit balikat ko nalang.
Isang beses ko din itong nahuli na may kausap sa phone ngunit hindi ko nadinig lahat nag pinag uusapan nila ng kausap na alam kong babae.
Hindi man nito aminin sakin ay alam kong may babae parin ito ngunit hindi ko nalang pinapansin dahil magpahanggang ngayon ay wala parin akong nararamdaman kay Erick.
Ewan ko ba kung bakit hindi ko talaga maramdaman iyon sakanya. Pero kahit ganon ay sinisikap ko paring gampanan ang pagiging asawa nya dahil iyon ang tama at nararapat na gawin.
Sa pagmamadaling umalis ni Erick ay nakalimutan nitong dalhin ang cellphone nya na naiwan nito sa side table sa kwarto namin.
Matapos mapakain, mapaligo at mapatulog ang mga bata ay nagtungo na ako sa kwarto namin ni Erick para makapag pahinga na din dahil alas nuebe na ng gabi.
Kumunot ang noo ko ng marinig ang pag tunog ng cellphone ni Erick na nakapatong sa side table. Nagdadalawang isip man na pakialaman ito ay ginawa ko parin. Ngayon palang kase ang unang pagkakataon na papakealaman ko ang cellphone nito makalipas ang pitong taon na pagsasama namin.
"Samantha?" Kunot noo kong basa sa pangalan na naka rehistro sa cellphone nito.
May mahigit sampo na itong text messages at anim na misscalls. Sa kuryoso ay binuksan ako ang mga mensahe nito na kinan laki ng mga mata ko.
: Samantha
- Honey where are you?
: Samantha
-I'm already here na
: Samantha
- I'm already nake
waiting for you
: Samantha
- Nasaan kana ba?
Naiinip na ako...
: Samantha
- Hindi mo pa ba maiwan
yang asawa mong tuod?
: Samantha
- Kelan ba darating ang
divorce papers na yan?
: Samantha
- I love you Honey ?
Iilan yan sa mga nabasa kong mensahe ng nagngangalang Samantha. May naramdaman akong kaunting kirot sa puso pero mabilis ding napalis iyon ng maalalang wala naman kase talagang pagmamahal na namamagitan saming dalawa ni Erick.
Kung hindi siguro nagbunga ang panghahalay sakin ni Erick noon ay baka may kanya kanya kaming buhay ngayon at wala sanang Gabriel at Gillianne sa buhay namin.
Binitawan ko ang cellphone ni Erick at inilagay kung saan nito iyon iniwan. Ipinagkibit balikat ko nalang ang nalaman at piniling manahimik.
Kung kokomprontahin ko man ito ay siguradong itatanggi niya iyon at mauuwi lang kami sa pag aaway na ayaw kong mangyari dahil baka makita at madinig kami ng mga bata.
Kinabukasan ay Linggo at walang trabaho si Erick kaya napagpasyahan namin na dumalaw sa bahay ng mga magulang ko.
"Wala ka bang balak na magpatuloy sa pag aaral Freya?" Pagkuwan ay tanong ni Kuya Patrick sakin habang nasa harapan kami ng hapag para mananghalian.
"Oo nga anak. Tutal ay malalaki na ang mga bata kaya pwede kana sigurong bumalik sa pag aaral" Suhestiyon din ni Mommy na tinanguan ni Daddy.
Napabaling ang tingin ko kay Erick na kunot noo. Para bang hindi sang ayon sa sinabi nila Kuya at Mommy.
"What do you think Erick?" Tanong ko dito kaya sakanya nabaling ang atensyon naming lahat. Hinihintay ang magiging sagot nito.
"If what do you want Baby" Tanging nasagot nalang nito dahil sa kawalan ng magagawa.
Lihim akong napa ngisi dahil sa isiping makakalabas na ako ng bahay namin makalipas ang pitong taon na pagkakakulong doon.
Under graduate ako sa kursong Criminology. Gustong gusto ko ang paghawak ng iba't ibang armas at marunong ako ng self deffence ngunit ng mga panahon na gahasahin ako ni Erick ay hindi ako naka panlaban dahil sa ipinainom nitong may halong gamot.
Nang araw din na iyon ay nag ayos ako ng mga papel ko na kakailanganin ko sa pagbabalik sa pag aaral. Kahit may edad na ay pinagsawalang bahala ko nalang sa kagustuhang makapag tapos. Dalawang taon nalang din kase ay makakapag tapos na ako.
"Are you really sure about to your course you've take?" Pagkuwan ay tanong ni Erick.
Nandito na kami sa kwarto namin at naghahanda na sa pagtulog.
"Oo naman. May problema kaba?" Tanong ko dito ng hindi siya binabalingan ng tingin dahil busy ako sa paglagay ng abubot sa katawan ko.
"Take other courses. Pwedeng doktor, teacher ot Chief bakit Pagpupulis pa?" Muli ay sabi nito kaya napabaling na ako ng tingin sakanya.
"Yun ang gusto ko mula pa noon. Para ipakulong ang mga makasalanang tao" Sagot ko dito sa seryosong tono na kina tigil nya.
Lihim akong napangisi ng makita ang paglunok nito dahil alam kong tinamaan ito sa sinabi ko.
Alam na alam na may kasalanan
Hindi na ito naka imik kaya muli akong bumaling sa ginagawa para matapos na at makatulog na
Isang linggo na itong hindi sumisiping sakin na ngayon ay alam kuna kung ano ang dahilan pero hindi ko nalang pinansin dahil pabor din naman sakin iyon.
Makalipas ang isang linggo ay tuluyan na akong makakapasok sa unibersidad na napili ko.
"Take care mga anak" Bilin ko sa mga anak ko ng maihatid ko ang mga ito sa paaralan nila kasama ang bagong katulong na magbabantay sakanila bago tumuloy sa unibersidad para pumasok sa unang araw ng klase ko.
Nanibago sa unang araw ng pagpasok sa paaralan. Hindi pa naman katandaan ang itsura ko dahil bente syete anyos palang ako ngunit di ko maiwasan na mailang sa ipinupukol nilang tingin sakin na para bang sinasabing hindi na ako nababagay sa lugar nito.
Ipinag kibit balikat ko nalang ang mga napupuna at nagpatuloy na naglakad patungo sa building kung saan ang klase ko.
Hahakbang na sana ako sa hagdan para makaakyat ng biglang may bolang tumama sakin sa may likuran ko kaya medyo na buwal ako sa kinatatayuan at muntik ng madapa ngunit may maagap na mga braso ang yumakap sa bewang ko para hindi ako tuluyang masubsob sa hagdan.
"Sorry po" Paghingi ng tawad ng isang estudyante na naka basketball uniform na sa tingin ko ay syang may ari ng bolang tumama sa likod ko.
"You should look at your way next time" Malamig na boses naman ng isang lalaki na siyang sumalo sakin at nakapalupot parin ang mga braso nito sa bewang ko kaya dali dali akong umayos sa pagkaka tayo kaya binawi na nito ang mga kamay nya.
"S-salamat" Nahihiyang pasasalamat ko dito saka ko inayos ang nagusot kong skirt.
"Masakit ba ang likod mo?" Pagkuwan ay tanong nito na mabilis kong inilingan.
"Hindi naman. Salamat ulit"sagot ko at muling nagpasalamat.
Akmang magpapaalam na ako ng unahan nya akong mag salita.
"Criminology student?" Tanong nito na agad kong tinanguan.
"Oo. Ikaw din ba?" Sagot at tanong ko dahil sa suot nitong uniporme.
"Yeah. So sabay na tayo" Kamot ulong Sagot at yaya nito na kina ilang ko pero pumayag na din para mabilis na malaman ang unang class room na papasukan ko.
Habang naglalakad paakyat ng building ay nagkwentuhan kami na animo'y matagal ng magkakilala.
Ayon dito ay Marco Salvador ang pangalan nito at hindi talaga siya estudyante kundi isang propesor na kina gulat ko dahil mukha pa itong bata pero trenta sarado na daw ito kaya napa tango tango nalang ako.