Kabanata 4
Kung Hindi Papalarin
Nakabalik na kami ng classroom at saktong kakarating lang rin ng aming Prof na may dala-dalang laptop. Nag-discuss lang siya about sa Emp Tech at pagkatapos noon ay nagpa-short quiz. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako mangongopya kaya naman nakinig talaga ako ng buong puso kanina sa Prof namin. Malayo si Jo sa upuan ko kaya naman macha-challenge talaga akong hindi mangopya sa mga katabi. Kayang-kaya ko 'to, basic lang 'to eh.
"Congrats, Gab!" sabi ng kaklase kong nag-check ng papel ko. Out of 10 items, naka-9 ako. Well, hindi na rin masama. Atleast hindi ako nangopya tulad noon. Ang sarap pala magsagot ng mga quizzes kapag may alam ka sa lesson kesa mangopya. Magandang pagbabago na rin siguro 'to. Noon kasi panay kopya lang ako o di kaya'y hinahayaan ko na lang na blanko ang mga numero. Pero ngayon, nakakatuwa lang. Ganito talaga siguro kapag may inspirasyon ka sa pag-aaral.
Breaktime na at Shai's messenger accompany me. Sinamahan ako ni Jo para naman daw hindi ako magmukhang loner sa malaking campus na 'to. Nilibot namin ang buong campus pero naninibago pa rin ako. Pakiramdam ko ang layo-layo ko na sa kabihasnan, ang layo-layo ko na sa nakasanayan kong mga mukha. Naninibago pa rin ako at hindi ko alam kung hanggang saan magpapatuloy ang paninibago ko. Ganito naman talaga siguro sa umpisa, kapag bago. Lalong-lalo na't bagong tapak lang ako rito sa Maynila. Dapat sanayin ko na ang sarili ko sa environment nila. Dapat matuto na akong mag-adjust sa environment na nandirito para hindi ako magmukhang promdi. Dapat sabayan ko kung anong meron at kung anong uso rito.
"Jo! Harv!" may tumawag sa pangalan namin habang naglilibot kami sa field. Napalingon kami sa likuran namin at saktong nandoroon si Shai kasama ang kanyang mga kapwa cheerleader.
"Wandering around? Oh I forgot! You're a newbie here and you're wandering around the campus. Well, that's great Jo! Accompany him until he said his decision." Sabi ni Shai. Kahit ingles ang pagkakasabi niya, naintindihan ko pa rin. Marunong naman akong umintindi, no? Ang sabi pa nga ng mga guro ko sa probinsya, matalino naman daw ako. Tamad nga lang.
"Why wouldn't you join us? C'mon Shai, let's accompany Harvey?" anyaya ni Jo pero umiling-iling si Shai.
"Nah, hindi pwede. I'll have to go somewhere, hindi ko pa kasi nakikita si Bryce ngayong araw. Nakakasad." Binigyan niya kami ng nakasimangot na mukha.
"Okay Shai, goodluck sa paghahanap sa TOTGA mo." At tumawa si Jo bago kami umalis.
Nagtungo kami ni Jo para hanapin ang isa pang tropa ni Bryce na si Leiv. Sino naman kaya ang Leiv na iyon? Di ko akalaing marami-rami rin palang tropa si Bryce dito sa campus? Sabagay, hindi na ako magtataka kung bakit marami siyang kaibigan. Mayaman siya, at syempre di na ako mag-eexpect na mayaman din ang isang Leiv na 'to.
"Did you know Leiv?" tanong ni Jo sa akin pero mabilis akong umiling. "He's one of the friend ni Bryce. Volleyball player siya at kung hindi mo na rin tatanungin, he's the ex of Shai too."
"What the heck?" ang nasabi ko.
"I know na met mo na siya sa canteen, when you first came in this campus." Aniya habang naglalakad pa rin kami patungo sa isang field. Volleyball field naman ito pero mga lalaki ang naglalaro. "Dito ka sana ilalagay ni Shai ang kaso mas priority kasi ang basketball. And syempre, basketball na rin ang pinili mo kaya malaking good news ito kay coach Larry."
"Sino si Larry?" pagtatanong ko.
"Yung coach nga."
"Ahh." Sabi ko at saka tumango-tango.
"But before that, there." Tinuro niya ang lalaking matangkad na nakatalikod sa amin. Naka-jersey siya ng no. 14 at morenong-moreno ito. Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko na maalala. Nang humarap siya sa kinatatayuan namin, doon ko lang napagtantong si Dale pala ang lalaking iyon na naglalaro sa gitna ng sikat ng araw. "That's Leiv, pero sa pagkakaalam ko, you know him in the name of Dale right?"
Tumango-tango ako. "Pano naman siya naging Leiv? Ang layo ng Dale sa Leiv huh?"
"That's because of the last two letters of his first name and the first two letters of his second name. Dale Ivan ang given name niya. Kaya naging LEIV. Gets pre?" aniya at mabilis akong tumango.
Namataan kami ni Dale este Leiv habang pinagmamasdan namin ang paglalaro niya. Lumapit siya sa kinatatayuan namin at masaya kaming binati. "Oh howdy Jo? Howdy Harv? Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Lowell ah."
"Ah, 'yun ba? Wala 'yun." Sabi ko.
"Anong wala? Naku mabuti na lang at wala si Bryce ngayon."
"Nasan ba siya?" sabay naming tanong ni Jo.
"Edi ayun, umabsent para lang makalaro sa liga. Take note, liga. It means, sa barangay siya naglalaro. Ewan ko lang kung saan. Basta ang alam ko lang niyaya siya ng mga kalaro niya malapit sa kanila. Umabsent pa talaga siya para lang doon, hays."
"Bakit? Ano naman kung nandito si Bryce at nalaman niya ang nangyari sa amin ni Lowell kanina?" pagtatanong ko.
"Malamang magagalit 'yun sa'yo. Ayaw na ayaw pa naman niyang may tumatabla sa amin. Ewan ko ba kung bakit hindi niya kami pinagtanggol noong una ka naming ma-encounter. Mas pinanigan ka pa niya kaysa amin. Ano bang meron sa'yo? Eh ex lang naman ng kuya ni Bryce ang kapatid mong b-" hindi niya natuloy ang kanyang sinabi at sinuntok ko siya sa kanyang pagmumukha.
"H'wag na h'wag mong idadamay ang kuya ko rito!" sigaw ko.
"Harv, tama na-" sinubukan akong awatin ni Jo pero hindi ako nagpa-awat.
"Aray, f**k!" napahawak siya sa kanyang pisnge na aking tinamaan. "Ano ba 'yang kaklase mo Jo! Pigilan mo nga 'yan! Kung ayaw niyang ireport ko siya sa guidance."
At tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang salitang guidance. Parang gusto kong ibalik ang oras kanina. Parang gusto ko na lang saluhin ang mga masasakit na salitang binabato nila sa akin kaysa lumaban. Kasi kapag nagalit talaga ako, nakakalimutan ko ang salitang respeto. Pero paano ko ba naman sila rerespetuhin eh kung makapagsalita sila sa akin ng masasakit at ang mas worst eh yung dinadamay pa pati ang pamilya ko at mahal ko sa buhay.
"S-Sorry, Leiv." Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi pero hiyang-hiya na talaga ako. Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila at naghanap ako ng lugar kung saan walang tao. Nagtungo ako sa isang garden at pinagsisipa ko lahat ng mga batong humaharang sa daan ko. Ibinuhos ko ang galit ko sa pamamagitan noon. Nagawa ko na ring sapakin ang mga pader para lang mailabas ko ang galit na nararamdaman ko. Gusto kong magwala, gusto kong sirain ang mga bagay na nandito sa paligid ko pero hindi ko magawa. Kung nasa public school lang siguro ako matagal ko nang nasira ang mga halaman dito.
Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang magawang maipagtanggol ang sarili ko laban sa mga taga-Maynilang 'to na ubod nga ng yaman pero ubod naman ng sama ang pag-uugali. Kung makahusga sila sa akin at sa pamilya ko, dahil ba sa baguhan lang ako rito? Dahil ba mahirap lang ako? Oo mahirap ako pero ginagawa ko naman ang lahat para ibigay ang best ko na magbago pero hindi ko pa rin magawang magbago. Wala na siguro talaga akong pag-asa na maipagpatuloy pa ang pagbabago ko. Unting-unti na lang at lalabas na naman ang pagiging demonyo ko. Ayaw ko man gawin pero nate-tempt ako dahil sa mga tao rito. Kung masama sila, pwes this time ilalabas ko na talaga kung sino ako kapag napuno pa ako. Kapag sumabog na talaga ako sa galit.
Wala na akong pake kung ma-expel ako basta maipakita ko lang na lumalaban ang tulad ko. Lumalaban ako para sa pride ko at hindi para manggago ng ibang tao. Konting-konti na lang talaga, susuko na ako. Bibitaw na talaga ako. Imbes na nagkakaroon na ako ng inspirasyon sa pag-aaral, may humahadlang naman dahil sa mga mapanghusgang environment na nandito.
Bakit ba kasi dito pa ako nag-aral? Wala na bang ibang option? Ayoko namang umulit ng SHS dahil sayang ang panahon at opurtunidad. Marami sana akong pangarap pero kung hindi papalarin... Baka maging isa na lamang akong magsasaka sa bukid.