Chapter One

2601 Words
Mia "Nawawala si Ava!" naghihisteryang sigaw ni Donya Consuelo. Palakad-lakad ito sa loob ng hotel room na kinarooonan nila. "Kumalma ka nga, puwede ba!" singhal naman ni Don Hernan sa asawa. Kahit malamig ang buga ng aircon sa master suite na kinaroroonan nila ay pinagpapawisan ang daddy niya. Para ding tumanda ito ng ilang taon dahil sa problemang kinakaharap. Nawawala si Ava, ang kakambal niya. Ngayon ang araw ng kasal nito kay Rafael deSalvo. Ngunit nang magtungo ang mommy niya sa kuwarto ni Ava ay isang liham na lamang ang nakita nito roon. Isang sulat na nagpayanig sa kanilang lahat. Sinasabi roon na sumama si Ava kay Kyle, ang boyfriend nito, ang totoong mahal daw nito. Hinimatay ang mommy niya dahil limang oras na lang ay ikakasal na ito. Nang magising ay naghihisterya na ang mommy niya. "Sinubukan mo na bang kontakin?" baling ng daddy niya sa mommy niya. "Yes, numerous times!" her mother said. "Pero nakapatay na ang cellphone ng maldita mong anak!" "Oh, god..." Nanghihinang napahilamos na lamang sa mukha ang daddy niya. Sinulyapan niya ang pambisig na relo, alas-otso y medya na ng umaga. Mamayang alas-diyes ang kasal. "Sa tingin ko po ay kailangan na nating ipaalam sa mga deSalvo na nawawala si Ava," singit niya sa mga ito. Matalim ang tinging binalingan siya ng ina. "Sige, sige pumunta ka ro'n, at sabihin mo sa kanilang lahat na nawawala ang kapatid mo dahil sumama sa ibang lalaki! Sabihin mo ro'n ng pare-pareho tayong pulutin sa kangkungan!" hiyaw nito sa kanya. Nawalan siya ng imik. Nakasalalay kasi sa pagpapakasal ni Ava sa bunsong apo ni Leon deSalvo ang negosyo nila. Lugi na ang kumpanya at walang nais magpahiram sa kanila ng pera. Tanging si Senyor Leon lang ang nagsabing magbibigay ng kaulang salapi para makabangon ang kumpanya nila sa oras na maikasal na si Ava at Rafael. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin naiintindihan na kailangan natin ang mga deSalvo para hindi tayo maghirap lahat? Sa kanila nakasalalay ang kinabukasan natin, tonta!" angil ng ina niya sa kanya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Nais niyang ipaliwanag sa mga ito na baka mas lalong magalit sa kanila ang mga deSalvo kung darating ang mga bisita at maghihintay sa simbahan ngunit wala namang bride na darating. Pinili niya na lang uling manahimik dahil baka siya na naman ang mapagbalingan ng mga ito. "Kailangan matuloy ang kasal," wika ng daddy niya. "Pero saan natin hahagilapin si Ava?" tanong naman ng mommy niya. "Si Mia ang magpapakasal kay Rafael," sabi ng daddy niya na ikinalingon niya rito. "Ho?" gulat na tanong niya. Nakaringgan niya lang ata ang ama ngunit sa pagkakatingin nito sa kanya mukhang hindi siya nagkakamali ng dinig. Biglang napangiti nang maluwang ang mommy niya. "Tama. Si Mia ang magpapanggap na Ava," segunda ng kanyang ina nang mahinuha ang ibig sabihin ng esposo. "P-pero--" "Hija..." Agad na lumapit sa kanya ang mommy niya at ginagap ang kamay niya. Napalitan ng lambing ang tinig nito at ang mga mata ay nakikiusap sa kanya. "Mia, listen to me, darling. Alam mong palubog na ang kabuhayan natin at ang makakasalba na lang ay ang tulong ng mga deSalvo," anito. "Alam mong hindi ako sanay maghirap, matitiis mo bang maging dukha ako? Tayo?" "Pansamantala lang din naman ang pagpapanggap na gagawin mo. Hahanapin ko si Ava at ibabalik siya sa dapat niyang kinalalagyan," ani ng papa niya. Naguguluhang napatitig siya sa mukha ng mga magulang bigla ay parang nais niyang bulyawan ang mga ito. "Tawagin mo ang make-up artist, Consuelo," utos ng daddy niya sa kanya ni hindi na hinintay ang sagot niya sa sinasabi ng mga ito. Nagmamadali namang tumayo ang mommy niya. Bumalik na ang sigla. "Consuelo," muling tawag dito ng daddy niya ng nasa pintuan na ang mommy niya. "Siguraduhin mong walang makakaalam nito," bilin nito na tinanguan ng mommy niya. "Daddy--" "I'm so sorry, hija, pero ito na lang ang naiisip kong paraan," malungkot na anito sa kanya. Napipilan naman siya. Kita niya ang lungkot at pakiusap sa mukha nito. "Matanda na ako, anak. Hindi ko kakayanin ang maghanap ng regular na trabaho para isustento sa inyong lahat. Lalo na sa luho ng mommy mo," anito. Napayuko na lamang siya at naikuyom ang mga kamay. Lumapit naman sa kinauupuan niya ang daddy niya. Naupo sa tabi niya at inakbayan siya. "Nakikiusap ako, Mia. Sana'y pagbigyan mo kami, alang-alang sa ating lahat." Kagat labing tumango na lamang siya. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Hindi man lubos maunawaan ang lahat at kahit may takot at pangambang nararamdaman hindi niya naman mapahindian ang mga magulang. Lumaki siyang sinusunod ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya. Hindi siya sanay sumuway. Mayamaya pa'y dumating na ang make-up artist kasama ng mommy niya na kanina pa naghihintay sa may lobby. Agad na binihisan at inayusan siya ng mga ito kahit halos gipit na sa oras. Mabuti na lang at ang mga brides maid ay nakaayos na. Sukat na sukat sa kanyang katawan ang damit pangkasal ni Ava, palibhasa'y halos wala naman silang pinagkaibang magkapatid bukod sa paraan ng pagbibihis nila at sa ugali. Si Ava ay parang younger version ng mommy nila, a socialite. A model. Lagi itong laman ng mga society pages. Kung sino-sino ring mga anak ng bilyonaryo at sikat ang nali-link sa kapatid niya. Samantalang siya ay na nanatiling anino nito. Halos hindi siya kilala ng mga tao dahil hindi rin naman siya mahilig sumama sa mga parties na in-attend-an ng parents at kapatid niya. Karamihan nga ay ang alam na nag-iisang anak lang si Ava. Hindi niya naman binibigyang isipin pa ang bagay na iyon. Masaya kasi siya na nasa bahay lang at tumutulong sa mga katulong sa pag-aasikaso sa kabahayan na hindi na bibigyan pansin ng mommy niya. Siya ang tumayong maybahay sa mansion nila. Siya ang namamahal sa groceries, sa pag-aasikaso sa mga bills, at pagpapasahod sa mga tauhan. Siya rin ang namamahala sa maliit nilang farm na minama ng mommy niya sa parents nito. Ang daddy niya naman ay ang siyang namamahala sa mga negosyo nila sa Manila pero dahil na rin sa kayag ng mommy niya ay pinamahala na lang din nito sa mga board members ang negosyo at mas madalas na samahan ang mommy nila na mag-tour at makipagsosyalan. Hindi tuloy namalayan ng daddy niya na nananakawan na ito sa paraang hindi agad mapapansin. Bago pa malaman ng daddy niya, malaki na ang inilugi ng kumpanya, at ni walang nais mag-invest dahil sa pangit na marketing plan. Nais man niyang tulungan ang daddy niya sa negosyo ay wala naman siyang alam doon. "Are you ready, Ava?" tanong ng daddy niya sa kanya na pumukaw sa malalim na pag-iisip niya. Hindi pa agad rumehistro sa kanya ang pangalang itinawag nito sa kanya. Bumuntong-hininga naman ang daddy niya nang mapansing wala siya sa sarili. "Sanayin mo na ang sarili mo bilang si Ava, hmm?" "O-opo, daddy," aniya at yumuko na. Humawak naman sa braso niya ang ina at hinimas-himas siya roon. "Pagbutihan mo, hija. Hindi nila dapat malaman ang totoo. Umakto ka bilang Ava sa harapan nila, okay?" anito. "Paano kung mahalata nilang hindi ako si Ava?" nangangambang tanong niya. "Kaya nga pagbutihan mo ang pagpapanggap, ano ka ba?" inis na sikmat ng ina sa kanya. "Tama na 'yan," awat ng daddy niya. "Naririto na tayo sa simbahan." Dumoble ang kabog ng kanyang dibdib nang huminto ang sinasakyan nila sa harap ng Cathedral kung saan idaraos ang kasal. Naaadornohan ng magagandang bulaklak sa bungad pa lang ng malaking pintuan. Inalalayan siyang makalabas ng ama sa sasakyan. agad silang sinalubong ng coordinator at pinalapit sa likod ng pinto ng Cathedral na isinara pagkarating nila. Parang nais niya nang maiyak sa sobrang takot na kanyang nararamdaman. Natatakot siya sa kahihinatnan ng lahat ng ito. Paano kung mabuko siya sa pagpapanggap na gagawin niya? At paano niya haharapin si Rafael at lokohin ito? Noon pa man ay may pagtatangi na siya kay Rafael. Noong unang beses niya itong makita sa harapan ng garden nila ay hindi na nawala sa isip niya ang binata. May mga oras ngang hiniling niya'y sana sa kanya na lang ito napalapit. At ngayong tadhana na ata ang gumagawa para magkalapit sila, sa maling paraan nga lang, ano'ng gagawin niya? Tumunog ang violin version ng photograph ni Ed Sheran. Binuksan na rin ang pinto ng simabahan. Nagkislapan ang mga camera ng iilang media na inimbitahan para i-coverage ang kasal. At kung hindi dahil sa veil niya'y malamang na nasilaw na siya. Iginiya siya ng mga magulang para maglakad. Nakatutok naman ang mga mata niya sa dinaraanan. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ng mga bisitang nakangiting nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay anumang oras may makakaalam na hindi siya si Ava. Hindi niya tuloy namalayang nakalapit na pala sila kay Leon deSalvo. Napaangat ang tingin niya sa matandan ng gagapin nito ang mga kamay niya. Nakangiting mukha nito ang sumalubong sa kanya. "Napakaganda mo, Ava," papuri nito na kahit ayaw man niya ay ikinataba ng puso niya, napasinsero kais ng pagkakasabi ni Leon deSalvo niyon sa kanya. "Naaalala ko sa 'yo ang namayapa kong esposa." "T-thank you, sir," aniya. "Oh no, hija, tawagin mo akong lolo Leon, magiging apo na rin kita," magiliw na anito. Isang tikhim naman ang nagpalingon sa kanya sa katabing lalaki ni Senyor Leon, si Rafael, na matiim na nakatingin sa kanya na tila pinag-aaralan ang bawat kilos niya. Mahinang natawa naman ang lolo ni Rafael. Tinapik-tapik pa nito ang balikat ng apo. "Oh, siya, heto na ang mapapangasawa mo, apo," ani ng matanda saka iniabot ang kamay niya kay Rafael. Inabot naman ni Rafael ang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. May talim sa mga mata nito na agad ring nawala nang harapin nito ang mga magulang niya. Bumeso ito sa mommy niya at nakipagkamay sa daddy niya. Nang muling bumaling ito sa kanya para yakagin siya sa harap ng altar ay saglit na tumiim ang titig nito sa kanya. Siya na ang kusang umiwas ng tingin dahil hindi niya kayang salungin ang mga titig nito. Habang nagsesermon ang pari ukol sa sakramento ng kasal ay sinamantala niya naman iyon para ihingi ng tawad ang kasalanang kanyang ginagawa. Hiniling niya rin na sana ay gabayan siya sa mundong tatahakin niya. Nagsimula ang pagpapalitan niloa ng I do's hangang ianunsiyo ng pari na sila'y mag-asawa na at kailangan na siyang halikan ng groom para selyuhan ang kanilang pag-iisang dibdib. Humarap sila sa isa't isa. Nanginginig ang kamay na humigpit ang hawak ni Mia sa boquet. Si Rafael naman ay unti-unting itinaas ang veil. Naramdaman niya na lamang ang kamay nitong humawak sa baba niya at itinaas para magkasalubong sila ng tingin. Wala siyang nagawa kundi salubungin ang tingin ni Rafael. Nakakunot ang noo nito. Hindi niya alam kung naiinis ito o nagtataka, o pareho. "Don't act afraid, Ava. It doesn't suits you," anito sa mahinang tinig at bahagya pang ngumiti para hindi mahalata ng mga nanonood sa kanila na pinasasaringan na siya nito, ngunit bakas sa tinig nito ang galit. God, kakakasal pa lang namin pero heto at nakikita ko na ang galit niya. Pero bakit siya magagalit kay Ava? Hindi niya alam kung paano nagkakilala ang dalawa. Nagulat na lang siya nang mag-anunsiyo ang kakambal niya na mamamanhikan ang mga deSAlvo sa kanila na ikinatuwa naman ng mga magulang niya. Wala siyang alam sa relasyon ng kapatid niya kay Rafael dahil madalang naman siyang lumuwas ng Manila. Hindi rin naman siya nakasalo sa hapunan ng magtungo ang mga ito sa mansion dahil nilalagnat siya ng araw na 'yon. Nangunot ang noong napatitig siya kay Rafael. Ipinagtataka niya ang galit na nahihimigan niya rito. Magkaaway ba ito at si Ava bago ang araw ng kasal ng mga ito? Ngunit hindi niya na nagawang mag-isip ng bigla na lang itong yumuko upang sakupin ang labi niya, hindi lamang basta halik ang iginawad ni Rafael kundi isang mainit na halik. Noong una'y magkalapat lang ang mga labi nila pero ilang segundo lang ang lumipas ay gumalaw na ang labi ni Rafel. Nabigla man noong una ay hindi niya napigil ang sariling tumugon kahit pa hindi niya alam kung paano, ginaya niya lang kung paano siya nito halikan. Narinig niya ang masigabong palakpakan sa paligid niya. Hindi niya namalayang wala na pala sa mga labi niya ang labi ni Rafael. Nang tignan niya ito ay nakataas ang sulok ng labi nitong nakatingin din sa kanya. Napapahiyang nag-iwas siya ng tingin sa asawa, asawa... oh yes, asawa na niya ito ngayon. Nagsilapitan ang mga kapamilya nila at binati sila. Hindi na niya muli pang sinulyapan si Rafael dahil damang-dama niya ang pamumula ng pisngi niya sa halikang nangyari sa kanila. Hindi niya alam kung ilang segundo ang tinagal ng halik dahil pakiramdam niya parang ang tagal-tagal niyon. "Come," ani ni Rafael na hinawakan siya sa siko pagkatapos ng picture taking. "Ha? S-saan?" takang tanong niya. Hindi niya maiwasang mapapitlag sa pagkakadaiti ng kamay nito sa balat niya. Lumalim ang gatla nito sa noo. "At the reception. Saan mo pa ba gustong magtungo?" inis na tanong nito. Pagkuwan ay idinagdag, "Oh, baka naman gusto mo na agad tayong umalis para sa honeymoon natin? Why, nabitin ba kita sa Villa?" puno ng malisyang anito. Agad naman siyang pinamulahan ng mukha sa implikasyon ng sinabi ni Rafael. Tumikhan siya at kinolekta ang sarili bago sinalubong ang tingin nito. "You tell me. Did you think you satisfy me?" Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihihin iyon pero naisip niya na kung si Ava ang nasa katayuan niya ngayon, malamang na hindi ito pumayag na napagsasalitaan. Sigurado siyang sasagot din ito kay Rafael. Dumilim ang mukha ni Rafael. Humigpit din ang hawak nito sa braso niya. "If I only remember anything, or even just a glimpse of what happened at the Villa I assure you, this marriage won't happen." Nabigla siya sa sinabi nito. Naguguluhan din sa mga naririnig. Ano ang ibig nitong sabihin? Bago pa man bumuka ang bibig niya para makapagtanong ay nakalapit na ang mga magulang niya at inaya silang magtungo na sa reception. Sa loob ng sasakyan ay nagugulahan siya sa naging palitan nila ng salita ni Rafael. Nais niyang malaman kung ano ang sinasabi nito. Nais niya itong tanungin kung hindi lang sa driver na kasama nila. Pasimple niyang sinulyapan si Rafael na nakaupo sa tabi niya. Nakasandal ito at nakapikit ang mga mata. Hindi siya sigurado kung natutulog ba ito. Nang makarating naman sa reception ay nagmulat na ito ng mga mata. Hindi na siya hinintay na mapagbuksan siya ng pintuan. Kusa na siyang bumaba, na sa tingin niya ay mali. Dahil nang hawakan siya ni Rafael ay nagbababala ang tinging ipinukol nito sa kanya. Tumagilid ito paharap sa kanya para ayusin ang buhok niya saka mahinang bumulong. "Huwag mo akong daanin sa tantrums mo, Ava. Nariyan ang lolo, umakto ka ng naaayon," bulong nito sa kanya na ikinatindig ng balahibo niya sa batok. Napakainit kasi ng hininga nitong tumatama sa leeg niya. Huminga siya nang malalim at pinilit ngitian si Rafel. Tila nagulat naman ito sa ginawa niyang pag ngiti rito. "Shall we?" aniya. Tinitigan siya ng asawa saka ngumisi. "Let's go, and done with this BS." Nakahinga siya nang maluwag. Ngayon pa lang nanginginig na siya sa mga palitan nila ng salita. Mukhang maraming inililihim sa kanila ang kakambal niya. Sa mga sinasabi ni Rafael may ideya siyang napilitan lang ito sa kasal. At aalamin niya kung ano man ang itinatago ng akpatid niya. At kung bakit napapayag si Rafael na magpakasal kay Ava.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD