"S-SIR?" TANONG KO. ano daw? baka nagkamali lang ako ng dinig
Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin "I mean. I need some water. Yeah water" tumango tango pa ito na parang hindi sigurado sa sagot
Sabi na nga ba! Makapag linis nga ng tenga minsan. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang puso kong naghuhumingalo
Relax heart. Baka ma stroke ka.
"Okay po sir" sabi ko at kumuha ng malinis na baso at nilagyan ito ng malamig na tubig mula sa water despencer
Nakita ko namang nakaupo na ito sa upuan kaya naman sa gilid ko niya ito inilapag "Ito po. Sir"
Ininom niya ito kaya nasilayan ko kung gaano kaperpekto ang panga neto--- Siguro nung umulan ng kaguwapuhan bumaha sakanila kaya sakanya lahat napunta.
Magkasiklop ang palad na nakatayo lang ako sa gilid "M-may kailangan ka pa po ba sir?"
Hinawakan niya ang xerox na nasa harap nito "Sit"
Nalaglag ang panga ko "P-po?"
"Sit"
Bat niya ako pinapa upo? "Po?"
Huminga ito ng malalim at matatalim ang matang tumingin saakin. Pero bago niya pa ako sigawan ay inunahan ko na siya
"Sabi ko nga po sir, uupo na" sabi ko at ngumiti ng matamis sakanya. Bahagya naman ito natulala at natigilan.
"Read this" sabi nito at iniabot saakin ang xerox copy na may kakapalan.
"L-lahat po ito?" tanong ko
"Yes" --- ang kapal naman ng babasahin ko. Tumayo ako ng tuwid at humarap sakanya. Tumikhim muna ako bago inumpisahang magbasa
"Prencentation with Mr. Miller" basa ko sa pamagat. Kunot noo namang napaangat ng tingin sakin si mr. Walker
"Many of their property ---" naiwan sa ere ang sasbihin ko ng bigla ito sumigaw
"What the f**k are you doing woman?!"
Alanganin akong tumingin sakanya "N-nagbabasa sir?" so? Kailangan ba may accent?
Bakit niya ba ako sinigawan?
Hindi ito makapaniwalang naka tingin sa akin "How do you become my secretary?" bulong nito pero narinig ko padin
Nagkibit balikat ako "Hindi ko po alam sir. Hindi po ba kayo ang tumanggap sa akin?"
"f**k!" napasintido ito "Out" turo nito sa pinto--- napakunot noo naman ako bat niya tinuturo yung pinto? Out ba pangalan nun?
"Sir pinto po yan. Hindi out"
"I said get the f*****g out!" sigaw nito na nagpaigtad sa akin
"S-sabi ko nga po" at tuluyan ng lumabas.
Ano bang problema niya? Bakit niya ako sinigawan? Ginawa ko naman sinabi niya--- tsk! Tinotoyo siguro
Ng maka labas ako ay saka ko binasa ang ibinigay niya xerox copy. Tinignan ko din kung meron siyang schedule ngayong araw
A meron nga 2:20 pm kay Mr. Collins. At pagkatapos nun ay kay Mr. Cox naman 4:15 pm. Ayun lang ang schedule niya ngayong araw.
Habang inaayos ang schedule ni mr. Walker. Nagulat ako ng biglang may magsalita "delivery from Kelly's restaurant ma'am" nakangiting sabi nito at inilagay sa lamesa ko ang ibat-ibang putahe ng pagkain
"Kanino po ito?" tanong ko. Hindi naman kasi ako umorder
May tinignan muna itong listahan bago mag salita
"Ang Stir fried basil with chiili at sweet ang sour kay Mr. Walker po" huminto ito ng bahagya st sinuri ng mabuti ang listahan. "At kay Miss Panselan naman po ang Fung tong curry, Ped curry, Pad cha, stir fried ginger at Pad prik gang"
Nakaka-nganga lang ako habang naktingin sakanya. Wow. Ang so-sosyal naman nito.
"Thankyou ma'am. Enjoy your lunch"
May sasabihin pa sana ako pero nakalayo na siya. Tinignan ko naman pagkaing nakapaper bag sa lamesa ko. Mukhang mamahalin dahil branded.
Pinindot ko ang intercom. "Sir nandito napo yung in-order niyong pagkain"
"Okay. Bring it hear"
Kinakabahan naman akong tumayo at isa-isang binitbit ang mga pagkain.
Galit ba siya saakin? Sisigawan niya ba ako ulit?
Huminga ako ng malalim baga tinungo ang pinto niya at pumasok. Hindi na ako kumatok dahil nahihirapan ako sa bitbit ko.
Inilapag ko ito sa lamesa. Meron kasi siyang mini sala dito sa office.
Alanganin pa akong ilapag lahat ito. Dahil sabi nung delivery boy may saakin dito--- pero hindi naman ako umorder. Pero sayang naman kung hindi ko kakainin. Mukha pa namang masarap
"Let's have lunch Miss Ponselan"
Nagniningning ang matang napalingon ako sakanya. Pero nawala din lahat ng may sumagi sa isip ko--- Bakit kami magsasabay e secretary niya lang naman ako?
"P-po?"
"I said lets have lunch together" nag-uumpisa nanaman ito mainis
Bakit ba lagi siyang naiinis sakin--- Crush ba ako ni sir?. Malabo yun langit siya lupa lang ako
Tatanggi ba ako? "Sige po sir. Bawal tanggihan ang grasya" masaya kong sabi
Hindi ko alam kung namamalik mata ako ng makita kong dumaan ang saya sa mga mata niya--- o baka assuming lang talaga ako.
Tumango ito at nauna ng umupo sa pahabang sofa. Ako naman ay kumuha naman ako paglalagyan ng pag kain. Nang makakuha ako ay pumwesto ako sa single sofa at inumpisang ilagay sa plato lahat ng in-order na pagkain--- mauubos ba namin to?
Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil kanina pa siya nakatitig sa bawat galaw ko. Tumikhim ako at nag salita "Amm sir kain na po"
Para namang bumalik ito sa huwisyo ng mag salita ako.
Hindi ko na siya inantay pa nauna na agad akong kumuha ng pagkain --- gutom na kasi ako. Duh. Hindi ako nag-almusal no. Buti nalang may pa lunch si mayor---este Mr. Walker.
Subo lang ako ng subo. Kuha ng kuha. Tamang nguya lang sabay lunok. Ang sarap naman ng mga ito.
Nasa kalagitnaan ako sa pagkain ng mapansing nakatitig lang sa akin si sir. Nahiya naman ako kaya agad akong umupo ng tuwid. "P-pasensya na sir"
Umiling ito "Nah. Its okay"
"Talaga po?" tanong ko habang hawak-hawak ang kutsara't tinidor
Tumango ito at bahagyang natawa "yes"
Bat siya natawa? Mukha ba akong clown?
Pero infairness bet ko pagtawa niya. Lumitaw kasi ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin
"Hmm.. " sabi ko sabay subo ng pagkain "Hengku"
"Tsk! Dont talk when your mouth is full"
Nilunok ko muna ang laman ng bunganga ko bago tumango "Thank you"
Tumango lang ito teka?-- tapos naba siyang kumain? "Sir kain na po"
Umiling ito "Nah im full" oh? Naka-ilang subo palang busog na?
Samantalang ako pati ata lalagyan may balak na kainin--- pero siempre charot lang. Nang mabusog ako ay madami pang natira--- sayang naman.
Sa buong oras ng pagkain ko nakaitig lang sa akin si sir. Naiilang ako pero diko nalang pinansin. Minsan lang ito kaya sulitin na.
Habang nililigpit ang pinagkainan napansin kong may isang paper bag na hindi pa nabubuksan "Ahm. S-sir?"
Tumingin naman siya sa akin. Ininguso ko yung pagkain na nakalagay sa paper bag.
Kumunot naman noo niya "What?"
Nahihiya kasi akong sabihin. Tinuro ko ulit ang pagkain gamit ang bibig. Mas lalo ko pang pinahaba ang pag nguso para makita niya kung anong tinutukoy ko
Pero nang tumingin ako sakanya. Imbes na sa pagkain siya naka tingin--- sa mga labi ko siya naka lingon
Tila ba may bumara sa lalamunan ko dahilan upang mahirapan akong makalunok.
Nakita ko ang pag-alon ng adams aple niya bago tumayo at lumapit sa gilid ko
Huli na para lumayo . Dahil naramdaman ko ang pagkabig nito sa bewang ko at ang malambot nitong labi mula sa aking labi .