KAHIT ANONG gising sa kanya ng kapatid ay hindi talaga tumatayo si Jen. Iyon naman talaga ang plano niya… Ang maiwan sa bahay ni Kiel para masolo niya ang lalaki at mukhang magtatagumpay siya dahil iniwan siya ng kapatid na tulog kunwari sa guest room. Narinig niya pa ang pag-uusap ng dalawa habang nagkukunwari siyang tulog sa kama. “Sobrang late na ako Kiel kapag hinintay ko pa si Jen. Sa kupad niyan ay baka hindi ako makaabot sa meeting ko. Pwede bang ipasundo ko nalang siya kay Mang Vener?” tanong ni Ate Angelica kay Kiel na hindi nakakibo. Kanina pa siya nito niyuyogyog pero nagbibingi-bingihan lamang siya. “Pasensya ka na talaga Kiel. Alam kong masyado na kaming abala pero wala talaga akong magagawa kundi ang iwan na muna siya.” “It’s okay. Maghanda ka na at ihahatid na kita.” “

