"Kiel?" tinig iyon ni Jen at tinatawag siya nito. Totally bedrest ito ayon sa doctor nito dahil maselan ang pagdadalang tao nito. Napag-alaman niya na pwedeng ipa-DNA ang bata kahit pa nasa sinapupunan iyon ng ina pero delikado sa lagay ni Jen at wala siyang magawa kundi maghintay sa tamang panahon na pwede ng ipa-DNA ang bata. I just want to be sure the baby is mine. Knowing Jen? She is not the type of woman you would trust. Wala si Angz sa bahay kung kaya ayaw niyanaman na manatili sa kwarto kasama si Jen. Hinayaan niyang tawagin siya ng lalaki. "Kiel!" sigaw pa nito sa kanyang pangalan pero nanatili siyang nagbingi-bingihan. Hindi siya nito asawa para mataranta kapag tumatawag ito. Nakita niyang bumaba ng hagdan si Jen. "Kanina pa ako tumatawag pero hindi ka sumasagot," ani pa ni Jen s

