Sa aking peripheral vision ay may nakita akong puting bagay kaya mabilis akong humarap sa aking kanan at doon nanlambot ang mga tuhod ko. Imbes na umalis ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa ilang lakad na lang ang layo ko sa puting ahas. Pamilyar ang ahas na ito... Ang puti niyang balat na kumikinang kahit hindi natatamaan ng sinag ng araw. Nang naglakad ulit ako papalapit ay bigla siyang nagising at doon na nga nagtama ang paningin namin. Napanganga ako dahil sa gulat. Hindi ako maaaring magkamali! Siya nga 'yon... siya iyong puting ahas na nakita ko noon sa imperyo ng mga bampira. "Sss..." Dahan-dahan siyang gumapang papunta sa akin at nang nasa paanan ko na siya ay pinalibutan niya lang ako. Umupo ako at doon lang siya huminto sa paggapang. "Naaalala mo pa ba ako?

