WEDNESDAY

1108 Words
Mabilis na lumipas ang araw at ang buwan, sembreak na namin! "Ate Penny, anong plano mo para sa isang linggo nating sembreak? Kami kasi balak naming pumunta sa probinsya ni Mama. Three days kami dun, gusto mo bang sumama?" Tanong ng kapatid ko kay Caroline. "Hindi ko pa kasi alam kong may plans na si Mommy e..Pero pag wala pa magpapaalam ako kina mom at dad na sasama sa inyo." Hindi talaga marunong humindi si Penelope. Palagi nalang nitong pinagbibigyan si Caroline sa gusto nito. "Talaga ate? Wow! siguradong magiging masaya ang bakasyon natin. The more the merrier.." Pumapalakpak naman sa galak ang kapatid ko. Parang Date? "Wala ka ba talagang lakad kasama ang mga friends mo ngayong sembreak?" Lakas-loob kong tanong kay Penelope. Sabay kaming naglalakad papasok sa klase namin. Last day na ngayon ang pasok namin sa school. "Wala. May kanya-kanya kasi silang lakad ngayon bakasyon. Si Krizza pupunta sa Hongkong kasama ang mommy niya. Si Joy naman magbabakasyon sa Tagaytay. Si Jewel magba-Baguio. Tapos si Lora dadalaw sa lola nito sa Cagayan." Detalyado ang pagkakasagot nito. "Ganun ba?! Gusto mong sumama?" Tanong ko rito. "Di ba nga tatanungin ko pa ang parents ko kung papayagan akong sumama sa inyo?" Ang tinutukoy nito ay ang bakasyon namin sa probinsya. "Hindi naman yun e, I mean bukas. May dalawang ride all you can ticket kasi ako sa Enchanted Kindom. Baka lang gusto mong sumama?" Hindi ko talaga alam kong saan ko nakuha ang lakas ng loob para ayain ito. “Kasama si Caroline?” I just shrugged. "You mean, tayong dalawa lang?" Bahagya itong tumigil sa paglalakad sa hallway. "Oo. Ikaw lang at ako." Nakayuko kong sagot. Shit! Nahihiya na talaga ako. Mukha yatang mabobokya pa ako nito. It's now or never. "Ikaw lang at ako? Yung parang date?!" Tanong nito sa aking muli. "Oo, parang date. Date nating dalawa." Tuluyan na itong tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Kumakabog ang dibdib ko sa sobrang antisipasyon. Baka hindi ito pumayag kaya kinakabahan ako. "Sige. Anong oras ba bukas?" Nakangiting tanong nito sa akin. Shit! Pumayag ba talaga siya na makipagdate sa akin? Probinsya "Wow, ang ganda naman dito!" Bulalas ni Penelope. Manghang-mangha ito sa nakikitang tanawin ng probinsiya. Pinayagan itong sumama sa amin dahil kasama naman namin si Mama. Busy kasi ang daddy ni Penny kaya naman na-cancel ang out of the country na vacation ng mga ito. And I thank God for that. "Ate, gusto mo bang maligo sa batis mamaya?" Umaariba na naman sa kadaldalan ang kapatid ko. "Talaga? May batis dito? Gusto ko yun, tara maligo tayo dun." Excited nitong sabi. "Huwag kayong maligo na hindi pa nakaka-pagpahinga ha?! At baka kayo'y mapasma.." Paalala naman ni Mama sa akin. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang tinititigan si Penelope na walang kapagurang nagpipicture sa madaanan naming scenery. I'm sure mag-eenjoy siya dito sa amin. "Saan ang punta mo, Jacob?" Tanong ni Penelope ng makita niya akong sumasakay sa motosiklo ko. Namimiss ko ang magjoy ride. "Pupunta ako sa plaza para mag-ikot lang." Inistart ko ang makina. "Pwede ba akong sumama sayo sa pag-iikot mo? Gusto ko rin kasing makita ang plaza dito at ang buong lugar." "Sige." Bumaba ako saglit sa motorsiklo at pumasok ulit sa garahe. "Salamat." Sabi ni Penelope sa akin ng matapos kong isuot ang helmet sa ulo niya. Nakaangkas siya sa akin at ready ng umalis. Napansin kong hindi siya sa bewang ko nakahawak kundi sa damit ko lamang. Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at iniyakap sa aking bewang bago pinaharurot ng takbo ang motorsiklo. "Whoah! Ambilis naman ng patakbo mo Jacob." Napasinghap ito at yumakap ng husto sa akin. "Okay na ba?!" Bahagya ko kasing binagalan ang pagpapatakbo. "Oo, ang ganda talaga dito. Grabee! Sana dito nalang ako nakatira. This is heaven in color green!" Natawa ako sa sinabi nito. Gusto niyang tumira rito. At dahil dun hindi na naman mapuknat ang ngiti sa labi ko. *** October 14, 2015 Wendesday Dear Diary, Sembreak na namin. Alam mo ba na ito ang best sembreak na naranasan ko sa buong buhay ko. Extra special kumbaga kasi andaming unexpected na nangyari. Alam mo bang inaya ako ni Jacob na magdate sa unang araw ng bakasyon. Pumunta kaming dalawa sa Enchanted Kingdom. Kaming dalawa lang kasi magdedate daw kami. Halos lahat ng rides nasakyan namin. We really had fun. Ang gentleman pala ni Jacob kasi bawat galaw ko naka-alalay siya. Kumain din kami sa isang masarap na kainan pagkatapos mag-EK. Grabee ang dami kong nakain. Ang sweet talaga ni Jacob DD kasi inihatid niya pa ako sa bahay para raw maibalik niya ako ng maayos sa mommy at daddy ko. Sabi pa niya prinsesa daw ako dito sa bahay kaya dapat daw ganun din ang turing niya sa akin. Kinilig ako ng sinabi niya yun sa akin. Prinsesa daw ako? So ibig sabihin siya na talaga ang prinsipe ko! Ayeeh! Isasama sana ako ni Mommy at Daddy sa convention nila sa China. Umayaw ako kasi hindi naman ako mah-eenjoy doon. Nasa loob lang ako lagi ng hotel habang nag-aantay sa pag-uwi ng parents ko. Ang sad nun di ba? So nagpaalam nalang ako na sasama kina Ninang sa probinsya. First timw kong pupunta dun.. Hindi naman ako nagkamali dahil ang ganda ng lugar ninang. Sariwa ang hangin at berde ang tanawin. Naligo kami sa batis sa unang araw namin sa probinsya. Antagal kong umahon, ang sarap kasi ng tubig sa katawan. Nag-joyride kaming dalawa ni Jacob sa plaza. Inikot din namin ang buong bayan. Ang ganda talaga ng mga tanawin. Pero siyempre wala ng mas gaganda pa sa pakiramdam na kasama mo ang taong gusto mo. Sa pangalawang araw, umakyat kami ng bundok. Nanguha kami ng bunga ng bayabas, sineguelas, manga at sampalok. Grabe, wala talagang tatalo sa sarap ng fresh na prutas. Pumunta rin kami sa dagat para mamili ng sariwang isda na iiihaw. On our third day, eksaktong nagkaroon ng pasayaw sa barangay. Pumunta kaming tatlo upang makisaya. Alam mo ba DD, sumayaw kaming dalawa ni Jacob ng sweet. Nakahawak ako sa kanyang balikat at siya naman ay sa aking bewang. Feeling ko talaga namula ako sa sobrang tense, o saya o baka pagkapahiya dahil naapakan ko ang paa niya. Hindi ko maexplain ng eksakto ang pakiramdam ko. Pero so far, this is the best vacation I ever had! P.S. DD, counted ba as romantic gesture ang pagyakap ko kay Jacob habang sakay sa motorsiklo niya? Feeling ko kasi sinasadya niyang bilisan ang pagpapatakbo ng motorsiklo para mapayakap ako sa kanya. Pero aaminin ko gusto ko naman na yakapin siya. Secret natin yun ha? Sincerely, Penelope Santos
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD