Sunday, May 24, 2015
Dear Diary,
Today is Sunday! Mom and I went to church to attend a mass at 5am. After church, we went to the market to buy some vegetables, meats and other things we needed in the kitchen. I overheard Mom and Dad talking last night, may bisita daw kaming darating ngayon. Excited na akong makilala ang mga kaibigan ng mga magulang ko. I am wishing that they will bring their kids along. I would like to make friends with their kids because I don't have one. I always smile naman to my classmates every time they look at me but then they wouldn't smile back at me. Para silang nandidiri sa braces na nakakabit sa ngipin ko. My other classmates would take off my thick glasses and ran it away from me. I graduated my elementary years with Lora as my only friend and majority of my classmates as the judge of my entire personality. No matter how ugly I am outside, I always excel in my studies naman. I mentioned it already to you, di ba? I am Best in English. Best in Filipino. Best in GMRC. Most Punctual. Most Respectful. Most Neat. And of course, I am always the top one in the class. Enough of reminiscing my past, I already moved on.
Going back to the present, hehe! Ilang araw nalang at pasukan na ulit. I missed Sacred Heart High School. I am on my fourth year and I have already few girlfriends namely Krizza, Jewel, Joy and of course my bff Lora. We are on the same section, Section A. I know they will be thrilled to see me again. Mom initiated my full-make over. No more braces on my teeth. Thick glasses for my eyes no more instead I am using more fashionable glasses now. I also have sets of contact lenses. Mom sent me to a salon where they rebonded my long hair. They also threaded my eye brows. Dad said I am now a beautiful swan.
Until here, Dear Diary, I will update you later..Mom's calling me. Visitors already arrived, I guess. Byee! :)
P.S. I am soooo excited seeing my friend’s reaction when they see me.
Lovingly,
Penelope Santos
Tiniklop ko ang aking diary at isinuksok sa pinaka-ilalim na bahagi ng aking damitan. Ang aking Dear Diary ang pinaka-bestfriend ko sa lahat. It will hear me out but won't comment on whatever I tell her.
I went in front of the full-length size mirror standing beside my bed. I smiled on my reflection. My dress looks good on me. I let my hair flow down on my shoulder. I looked for my thick glasses and wore it again, I missed using it. At tsaka andito lang naman ako sa bahay. I am done checking myself when I heard Yaya Celia knocking on my door.
"Senorita Penelope, bumaba na po kayo. Nakahanda na ang mesa. At naghihintay na rin po ang mga bisita."
"Yes, Yaya Cel. I am coming." Sagot ko rito.
Hinubad ko ang pambahay kong tsinelas at isinuot ang isang gladiator sandals na binili ni Mommy sa mall noong isang linggo. It fits to my knee-lenght dress perfectly. I posted a sweet smile on my face while I am walking down the stairs
***
Busy ang mga magulang ko sa pakikipag-kwentuhan samantalang kaming dalawa ni Caroline ay nakamasid lamang na nakaupo sa marangya at mahabang dining table. Kanina pa ako natatakam sa pagkaing nakahain sa hapag-kainan. Kanina pa kasi ako nagugutom. I never had lunch because I got busy sa pag-aayos ng bago kong kwarto. Kung nasa bahay lamang kami ngayon tiyak kanina ko pa ito nilantakan. Ngunit hindi ko naman pwedeng ipahiya si Mama at Papa sa mga kaibigan nito. Kung hindi ba naman kasi masyadong pa-importante ang anak ng mga ito, e di sana nakakain na ako. I frowned thinking about the annoying daughter of my parent’s friends.
Upang mawala sa isip ko ang gutom ay sinubukan kong libutin ng tingin ang buong mansion. Ngunit napako ang tingin ko sa dalagitang parang slow motion na bumababa sa hagdan. Para itong anghel na bumaba sa lupa para salubungin ako.
"Ang ganda…" Di napigilang usal ko. Nakalimutan ko na rin yatang kumurap dahil sa nakikita ko ngayon sa aking harapan.
"Salamat, Hijo. Naapreciate mo ang bahay namin." Nagulat ako ng sinagot ni Tito Francis.
"Hindi po ang bahay ang inaapreciate ko kundi ang anak niyo." Piping sagot ko sa ginoo.
Of course, hindi ko sasabihin iyon. Kaya ngumiti na lamang ako bilang sagot.
"Ehem! Good evening, everyone. Mom, Dad sorry to keep you all waiting." Napalingon kaming lahat sa bagong dating. But the truth is, kanina ko pa siya nakita.
"Kumpadre, ito na ba si Penelope mo? Oh, she's so beautiful!" Sabi ng Papa ko kay Tito Francis.
Namula naman ang pisngi ng dalagita. I heard her utter, "Thank you po."
Her voice is so sweet that I enjoyed listening to it.
"Penelope, meet your Ninong Javier and Ninang Claudia. And this is Jacob and Caroline, anak ng Ninong at Ninang mo." Pinakilala siya sa amin ng Daddy nito.
Ngumiti ito sa aming dalawa ng kapatid ko, "Nice meeting you, Jacob and Caroline." Yumukod pa ito ng kaunti bago lumapit at nagmano sa aking mga magulang.
"Hi, Penelope. Nice meeting you too." Bati naman ng kapatid ko rito.
Mukhang magkakasundo silang dalawa. Sinundan ko ang mala-anghel na dalaga pabalik sa upuang nakalaan para sa kanya.
"You can call me Penny, Caroline..." She said sweetly.
Pati ba naman boses nito, boses anghel?
"Jacob, maupo ka na..." Narinig kong binanggit ni Mama ang pangalan ko.
Awtomatiko akong napalingon rito para lang malaman na silang lahat ay nakaupo na sa kanya-kanyang upuan. At tanging ako lamang ang nakatayo pa rin.
"Sorry po. Pero hindi po ba tayo magdadasal bago kumain?"
Pasimple akong tumingin sa gawi ni Penelope. May mga ngiti ito sa labing sinusupil.
***
Sa wakas natapos din ang mahabang kainan at usapan. Narito kaming tatlo ngayon sa sala habang pumasok naman sa library ang mga magulang namin.
"Ilang taon ka na, Ate Penny? Ako kasi fourteen palang…" Narinig kong tanong ni Caroline kay Penelope. They are having a girls talk kaya ako naman ay inabala ang sarili sa paglalaro ng Mobile Legend.
"I'm sixteen but I am turning seventeen on January 15 next year." I smiled when I heard Penelope said to my sister.
My sister squealed. "Halos magkaedad lang pala kayo ni Kuya Jacob. Alam mo kabibirthday niya lang kahapon. Kaso hindi na kami nakapag-celebrate dahil bumyahe kami papunta rito."
Ubod talaga ng daldal ang kapatid ko. But I cannot hide to myself from smiling. Sige lang, Caroline. Tell her the things I wanted myself to tell her.
"Really? Wait for me guys may kukunin lang ako sandali." Dali-dali itong pumasok sa kusina. Wala pang ilang minuto ay bumalik ito at may dalang maliit na bilog na cake. May nakasinding kandila sa taas nito.
"Happy Birthday, Jacob!” Nakangiti nitong sabi.
“Wow! May pa-cake si Penny for you kuya!”
“Blow the candle and make a wish." Lumapit ito sa akin at itinaas sa level ng aking mukha ang dala nitong cake.
"Sige na kuya, i-blow mo na. Ang sweet naman ni Ate Penny, I really like you na talaga." Sulsol naman ng kapatid ko.
Tumingin ako sa mukha ni Penny, matamis na ngiti ang sumalubong sa akin.
"Sige na, Jacob. Hipan mo na, 'wag ka ng mahiya pa…"Pamimilit nito sa akin.
Hinipan ko ang kandila at pumikit para sa aking kahilingin. Unang beses ito na humiling ako sa Diyos at sana mapagbigyan niya.
"Anong winish mo Kuya?" Pangungulit ni Caroline sa akin.
"Bakit ko naman sasabihin sayo ang wish ko, e wish ko nga yun." Sagot ko sa kapatid ko.
"Oo nga, baby Caroline. Mas matutupad ang wish kapag hindi mo ito ipinagsabi." Ani Penny sa kapatid ko.
Napangiti ako sa sinabi nito. Sana nga maging totoo ang wish ko. Kapag nangyari yun si Jacobo Dela Cruz na ang pinaka-masayang nilalang sa mundo.
***
"Until when are we going to stay here in Manila, pa?" Naiinis kong tanong sa ama ko.
Halos yearly nalang yata lumilipat kami ng tirahan. Nagsasawa na ako palagi sa linya ng mga magulang ko, This will be the last..Hindi na tayo lilipat ulit. May mataas na katungkulan ang aking ama sa NBI kaya naman palagi nalang kaming nag-aalsa balutan. Pero this time, isang malaking bahay na bagong gawa ang aming titirhan.
"I like it here, Mom, Dad." Caroline said.
Knowing my little sister walang masamang tinapay rito. Lahat nalang maganda. Lahat nalang gusto niya. But on the contrary, totoo naman ito. Maganda dito sa bagong lugar na nalipatan namin. I smiled like an i***t.
"Kuya, you are day dreaming. Hala, your cheeks is red! Siguro, naalala mo yung magandang cheer leader sa SHHS noong Friday, no? Sino nga ba yun? Mmmm, is it Cheska or Chelsea? Ah basta siya na yun." Pambubuska sa akin ng aking kapatid.
"It's Chelsea." Pagtatama ko rito.
We we're at SHHS last Friday para mag-enroll. Out of curiosity, we went to the Gymnasium to see the place for ourselves. I accidentally bumped Chelsea and the rest is history. Nagpakilala ito sa akin at nagpalitan kami ng numero. Chelsea texted me but I never replied. I don’t want to spend a lot of time messaging anyone.
"I know you like her… I know you do…" Pakanta nitong tudyo sa akin gamit ang tono ng kanta ni Justin Beiber.