CHAPTER 1

2085 Words
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin nang makalabas ako mula sa isang lumang gusali. Pinasadahan ko ito ng tingin, ang pintura nito ay unti-unti ng natutuklap. May ilang bahagi ng kisame ang lumaylay na. Ang bumbilya na nasa labas nito ay kikirat kirat na. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang karatulang 'Choi’s Grocery'. Ang grocery na ito ay pag mamay-ari ng amo kong Chinese na si Mr. Choi na ilang taon na rin naninirahan sa Pilipinas. Halos limang taon na akong nagtatrabaho bilang isang kahera rito. Maliit man ang sahod ay kahit papaano nakakatulong naman ito sa aming gastusin na magkakapatid. “Oh, Deli. Gabing gabi ka na ah,” napalingon ako sa nagsalita. Si Feli, iyong kapitbahay namin. Anong sadya niya rito? Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay buga ng usok na mula sa kaniyang hinihipak na sigarilyo. Mukhang naunawaan niya ata ang nais kong itanong ng mapatitig ito ng matagal sa mukha ko. “Napadaan lang ako rito, duty pa ako don sa club na pinagtatrabahuhan ko. Diyan ka parin pala?” pinasadahan niya ng tingin ang grocery store. Tumango naman ako habang sinusukbit ng maayos ang halos mapiktal ko ng lumang shoulder bag. “Tagal mo na riyan ah. Luma na rin yang building ano mang oras parang magigiba na. Wala ka bang balak maghanap ng ibang trabaho?” pag-uusisa pa nito. Ito minsan kinaiinisan ko rito kay Feli. Masyadong mausisa at minsan ay masilip sa buhay ng ibang tao, “Wala. Nakakakain pa naman kami ng maayos ng mga kapatid ko. Saka isa pa maayos naman pasahod dito. Alam mo naman na mahirap na makahanap ng ibang trabaho sa panahon ngayon.” Totoo ‘yon lalo na sa lagay ko na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at tanging highschool lamang ang natapos. Dahil na rin sa hirap ng buhay namin kaya hindi na ako nakabalik sa pag-aaral. Sa edad ko ngayon na bente tres mahihirapan nako makabalik sa pag-aaral. “Alam mo, Deli? Maganda ka, maganda rin pangangatawan mo. Bakit ba kasi ayaw mo pa tanggapin yung trabahong inaalok ko sa bar? Malaki kitaan don madali lang din naman gagawin mo,” muli itong humipak sa papaubos na niyang sigarilyo sabay tapon nito sa sahig at tinapakan upang mapatay ang sindi nito. Tandang tanda ko na inaalok ako nito ng trabaho sa bar at hindi naman lingid sa kaalaman ko na hindi gaanong desente ang tinutukoy nitong trabaho. Dahil kahit mismo siya ay kilala sa barangay namin na nagbebenta ng laman bilang kabuhayan niya. “Feli, ayoko sa ganong trabaho.” Diretsang tingin ko na sagot sakaniya. Nagkibit balikat lang naman ito at pagkuwan ay nagpagpag ng damit dahil may ilang abo na nalaglag sa damit nito na nagmula sa sigarilyo niya. “Ikaw din. Sayang ka kasi, Deli. Pero hindi naman kita pinipilit gusto lang naman kita tulungan—kayo ng kapatid mo. Saka kulang kasi ngayon don ng trabahador sa bar,” isang tipid na ngiti nalang ang binigay ko. Pang ilang beses niya na itong sinabi at pang ilang beses ko na rin ito tinanggihan. Kahit gaano kahirap ay kakayod ako para sa kapatid ko pero sa disenteng paraan. Maliit pa ang kapatid ko ayokong mamulat siya sa ganong buhay at isa pa hindi ata kakayanin ng sikmura ko ang ganong trabaho. Ika nga nila masyado akong inosente sa mga bagay bagay. “Osiya una na ako. Kung sakaling magbago ang isip mo puntahan mo nalang ako sa bahay ha? Alam mo namang bukas na bukas palagi para sayo yung offer ko. Maiwan na kita,” sinundan ko lamang siya ng tingin habang naglakad na ito sa gawing kaliwa kung saan patungo ang pinapasukan nitong trabaho. Nakita ko pa paano ito titigan ng mga tambay na nadaanan nito dahil sa iksi ng skirt na suot nito at halos luwa na ang dibdib sa suot na pang itaas. Iiling iling nalang ako at nagsimula na maglakad pauwi. Ganito lagi ang siste ng aking buhay. Maagang gigising upang pumasok sa grocery at gabi na uuwi. Sinisikap ko na mag whole day shift at hindi nagpapahalili kapag araw ng pasok ko dahil sayang kung uuwi ako ng maaga. Nagpalinga linga ako sa paligid kahit gabi na ay busy parin ang mga tao. May ilang magdamagang maglalako sa kalsada. Mga bukas pa na mga resto at tindahan. Ganito lagi ange senaryo na aking nasasaksihan. Tumingala ako sa langit ngunit sa araw na ito ay bigo ako na masilayan ang mga bituin dahil nakatago ito sa mga ulap. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang minuto lang naman ang layo nito sa aking trabaho kaya hindi ko na kailangang sumakay. Isang mahinang katok ang aking ginawa ng mapatapat ako sa isang kahoy na pintuan ng isang barong barong. May munting sinag ng ilaw na lumalagpas sa ilang butas kaya sigurado akong gising pa ang kapatid ko. “Ate!” isang mahigpit na yakap mula sa isang batang walong taon na gulang na may payat at maliit na pangangatawan ang sumalubong sakin. Ginulo ko ang buhok nito at saka iginaya ito papasok. “Kumusta ka rito? Kumain kana ba?” ngumiti ito dahilan upang masilayan ko ang bungi bungi nitong ngipin. “Ayos lang naman po ako, ate. Nagpatulong din po ako kay Lola Sita na magluto po nitong delata oh,” napatingin naman ako sa hapag namin na may nakalagay na plastic na plato at andon nga nakalagay ang tinutukoy nitong delata—ang meatloaf. Napangiti naman ako dahil sa murang edad nito ay naiiwan ko na ito mag-isa sa bahay. Pero pinakikiusapan ko parin naman ang ilan sa kapitbahay namin na tignan tignan siya katulad nalang ni Lola Sita. Isa ito sa pinaka mabait na kapitbahay namin. Kapag wala kaming ulam ay minsan siya pa ang nagbibigay madalas din na sakaniya kami umutang dahil may tindahan ito at swerte ko nalang na pumayag ito na tuwing kinsenas katapusan ang bayad sakaniya. “Nako naman ang bunso ko nagpakabait ka ba kay Lola Sita? Baka mamaya magsumbong na naman sakin iyon na puro ka kendi ha?” umiling ito at saka ko naman pinisil ang maliit na ilong nito. Simula ng mamatay ang mama namin sa sakit na tuberculosis ay kami na ng kapatid ko ang namuhay mag isa. Sa edad na labing walong taon ako na nagtaguyod sa kapatid ko. Ang tatay namin ay matagal na ring pumanaw dahil naman sa colon cancer. “Hindi po, ate. Mabait po ako,” kumalong ito sakin. Niyakap ko naman ito. Kahit na mahirap ang buhay at palagi akong babad at pagod sa trabaho agad din namang nawawala sakin ang mga iyon tuwing uuwi ako ng bahay. Dahil ang kapatid ko ang nagiging lakas ko para lumaban muli kinabukasan. Napansin ko ang pananahimik nito at nakatitig lamang sa kahoy na silya namin kung saan ko ipinatong bag ko, “ano yon buboy?” “Ate yung bag mo sobrang sira na po pala,” sa murang edad nito ay masasabi ko na matalino ito dahil mabilis niya maunawaan at mapansin ang mga bagay bagay. “Anong meron sa bag ni ate hmm?” ngumuso ang manipis at maliit na labi ng batang lalaki. “Bili tayo ate bagong bag mo sa ukay po ni ate merry,” suhestyon nito na ikinatawa ko. “Bakit naman? Maayos pa bag ni ate oh,” umiling iling ito at pinagkrus ang mga braso. Pag ganito to ay alam ko na, na magpupumilit lamang ito kaya sa huli ay sumuko na rin ako. “Osiya sige bukas pag labas ni ate bibili tayo pag naabutan nating bukas. Ayos ba yon?” agad na sumilay ang mga ngiti sa munting labi nito. Naputol lamang ang pag uusap namin ng kumalampag ang kahoy na pintuan ng munti naming bahay. “Delila! Put*ngin* ka! Lumabas ka riyan!” agad ko namang ibinaba sa pagkaka-kalong ang kapatid ko at pinaatras ko muna ito bago ko binuksan ang pintuan. Bumungad sakin ang singkwenta anyos na babae at galit na galit ang mukha nito. Sa likod nito ay dalawang barangay tanod at ang anak nitong babae na kasing edaran ko na ngayon ay masamang masama ang tingin sakin. Isang malakas na sampal ang natamo ko dahilan upang mabuwal ako sa aking kinatatayuan. Ramdam ko ang unti unting pagkalat ng hapdi sa aking pisnge. Tatayo na sana ako ng dumagan sakin ang matandang babae. Paulit ulit, magkabila ng pisnge ko ay pinagsasampal niyo. Ang mga tanod na kasama naman nito ay walang magawa. Halos mamanhid mukha ko maging ang mga braso ko na ipinangsasangga ko. “Ate!” rinig na rinig ko rin ang palahaw na iyak ng kapatid ko. Hindi ako makapag laban, nanghihina ako. Halos manlabo ang paningin ko dulot ng luha ko na hindi ko namalayan na kanina pa pala naagos mula sa aking mga mata dagdag mo pa ang nakakamanhid na sampal at sabunot na natamo ko kay Aling Marita. Napahiwalay lang sakin ang babae ng dumating ang ilang kapitbahay namin kasama si Lola Sita na siyang nanguna sa pag alis sa pagkakaibabaw ng babae sakin. “Bitawan niyo ako! Punyeta ka Delila! Yung uta mo sakin dumaan na ang pasko at bagong taon hindi mo parin binabayaran. Asan na pangako mong bayad puta ka?!” Sinubukan ko siyang hawakan ngunit iwinasiwas lamang nito ang kamay ko at dinuro duro ako. Lumingon ito sa kapatid ko at ngumisi. Bigla namang nilukob ng kaba ang puso ko. “Delila maraming beses kitang pinagbigyan. Pag hindi mo parin na bayaran ang utang mo sakin ngayong buwan na ito mapipilitan ako na hingin yang lampahin mong kapatid bilang bayad. Mas mapapakinabangan ko pa ata yan kaysa sayo. ” ganon nalang ang gulat ko sa sinabi niya. “Aling Marita, huwag naman po. Magbabayad ako pangako huwag niyo lang idamay kapatid ko,” halos lumuhod na ako sa harapan niya. Mawala na sakin ang lahat wag lang ang kapatid ko. “Tarantada! Magbayad ka ng utang mo para hindi na madamay kapatid mo. Pwe! Alis!” Sinipa ako nito dahilan upang mapalupagi na naman ako sa semento. Agad naman akong dinaluhan ni Lola Sita at ng kapatid ko na sabog na ang luha sa mukha. Marahil ay nag alala at natakot ito sa nasaksihan. “Iha pumasok ka na muna sa loob. At kayo?! Anong tinitingin tingin niyo diyan?! Tapos na ang palabas magsilayas na kayo!” inalalayan ako ni Lola Sita papasok sa barong barong namin at agad na ikinuha ako ng tubig. “Salamat po, Lola Sita. Pasensya na kayo at madalas na kayong nadadawit sa problema naming magkapatid,” ngumiti ito pero hindi abot sakaniyang mga mata. Hinawakan nito ang kamay ko na nakakuyom sa ibabaw ng aking mga hita. “Wala iyon, Deli. Para ko na kayong apo. Pero matanong ko lang magkano ba ang utang mo sa babaeng iyon at ganon nalang ang galit sayo?” “Fifty Thousand po,” Nanlaki naman ang mga mata nito. “Haru jusko ka! Saan mo ba ginamit ang pera?” “Sa gamot po ni buboy. Alam niyo naman po na hikain ang kapatid ko walang wala po kasi ako kaya nakapang hiram ako.” Sakitin kasi ang kapatid ko mula pagkabata nito. Kaya ganon nalang din ang pag aalaga ko sakaniya. Bago pa man mawala ang nanay namin ay baon na kami sa utang at gipit na talaga sa pera dahil nagmamaintenance ang nanay namin dagdag pa na single mom siya. Nagkataon pa na pagtungtong ni buboy ng dalawang taon ay madali na ito dapuan ng sakit at mas naging hikain. “Naku, Deli. Mukhang hindi ka tatantnan non. Ano ng plano mo?” tumungo ako. “Sa ngayon po susubukan ko makahingi ng advance payment po sa boss ko para makabayad ako kahit kalahati muna,” pinisil nito ang kamay ko. “Hayaan mo hindi muna kita sisingilin. Magpalista lang kayo ni buboy ng pagkain niyo wala namang kaso. Sa ngayon mahalaga na mabayaran niyo muna yung pinahkakautangan niyo at delikado kayo ni buboy dito. At isa pa linisin muna natin yang galos mo," Doon ko lamang napansin na marami akong kalmot at sobrang pula ng balat ko. Nito ko lang din naramdaman ang ilang hapdi na nagmumula sa sugat ko. “Salamat po,” sagot ko sa kalalapit lamang na ginang. Tinapunan ko naman ng tingin ang kapatid ko na ngayon ay tahan na ngunit bakas parin dito ang takot. Gagawin ko ang lahat para sayo. Kahit na gumapang ako sa hirap...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD