CHAPTER 12

2340 Words

Mabilis lamang dumaan ang maghapon. Wala pang isang araw ang pagtigil namin dito ni Buboy ay mukhang nakapag adjust na ito agad. “Ate, ang ganda po ng kwarto no?” ngumiti ako at tumango. Ang kwartong inookupa ni Buboy ay may katamtamang laki. Sa gitna ng kwarto ay isang single bed. Kulay krema ang kulay ng pader at may isang CR sa loob. Marami ring laruan na sa palagay ko ay si Timothy ang may pakana. Kasalukuyang nakahiga ang bata sa kama habang naglalaro ito at ineenjoy ang malambot na higaan nito. Pinagmasdan kong maigi ang kapatid ko. Sa kabila ng panghihina ng katawan at pangangayayat nito dulot ng ilang araw na tuloy tuloy na gamutan nito ay makikitaan mo parin ito ng kasiglahan. May kung ano ring mainit na damdamin ang lumukob sakin ng makita ang munting ngiti ng paslit. Ito ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD