CHAPTER 3

2610 Words
Usok ng sigarilyo at nakakahilong patay bukas na mga ilaw. Ayan ang bumungad sakin. Halos hindi ko na maaninag ang dinaraanan ko dahil sa dami ng tao at dilim ng paligid. Sa bawat paling ng ulo ko ay maraming mga taong nagsasayaw, may ilang nasa sulok at mga naghahalikan. Sa bandang unahan ay mga babaeng walang habas kung magsayaw at mga lalaking naghahagis ng pera kapalit ng pagtanggal ng ilang pirasong saplot ng mga ito. Napalunok ako sa isiping ganito pala ang tunay na nangyayari sa loob ng bar na ito. Mas masaklap pa sa naiisip ko lamang at naririnig noon. Pinagpatuloy ko ang paglalakad sa loob. Sinunod ko ang sinabi ni Feli na dumeretso pakanan. Pagdating ko doon ay merong dalawang bouncer na nakaharang sa pintuan ng silid na iyon sa hinuha ko ay ito ang VIP room ng bar na ito dahil bantay sarado at mukhang ang may access lamang dito ay matataas na tao. “Sinong hanap mo?” napalunok ako sa kaba. Ang lalaki ng mga pangangatawan ng mga ito at halos puno ng tattoo ang mga braso. Ang isa naman ay napansin ko na may nakasukbit na baril sa bewang nito. “Si Feli po. Ang sabi po niya ay andito siya,”nagtinginan ang dalawa bago muli magsalita. “Code.” “Dark,” umalis ang dalawa sa pagkakaharang. Nakahinga naman ako ng maluwag. Ang sabi kasi sakin ni Feli ay masyado raw mahigpit ang gwardya sa bar na ito kaya kailangan ng code. Ibinigay niya sa akin ito ng makausap ko siya sa telepono bago ako pumarito. Kulay pula na ilaw ang bukod tanging nagbibigay sa liwanag sa kwartong iyon. Pagkapasok mo ay agad na sasalubong sayo ang dalawang sofa na kulay itim at maliit na lamesa na puno ng alak. Ang ilan sa bote nito ay nasa sahig na. May dalawang tao na nakaupo roon. Agad naman ako napaiwas ng tingin ng madatnan ko ang dalawa na naghahalikan. Wala ng saplot pang itaas ang babae at nakakandong na ito sa lalaki na nakabukas na ang butones ng suot na polo. Dumeretso ako sa sliding door at doon kumatok ng mahina. Mula rito sa loob ay maririnig ang konting ingay na nagmumula sa malakas na tugtog sa labas. At hindi rin nakaligtas ang tunog na nagmumula sa dalawang naghahalikan dito sa sofa isabay mo pa ang kakaibang ungol na nagmumula sa likod ng sliding door na ito. “A-Ah sige pa.... Ohhh ayan.” halinghing ng boses ng babae. Hindi ko na kailangan pa magtanong kung kanino iyn dahil kilala ko na. “F*ck tuwad ugh sarap mo t*ng*n*!” halos matulos naman ako sa kinatatayuan ko. Dahil sigurado ako na boses iyon ng kung sino mang kaniig ni Feli sa loob. Sumabay pa ang ungol ng dalawang andito sa labasna ngayon ay wala na kahit isang saplot ang babae. Para akong binubuhusan ng mainit na tubig sa kinatatayuan ko kaya ganon na lamang ang lakas ng loob ko upang mas lakasan ang katok. Narinig ko pa na nagmura ang lalaki sa loob pero wala akong pake ang mahalaga sakin ay makita ko si Feli at matapos na ang pakay ko rito. Ilang segundo pa at bumukas na ang sliding door. Iniluwal nito si Feli na kahit isang saplot ay walang suot. Bungad na bungad sakin ang buong kahubaran nito. Naasiwa naman ako kaya hindi ako makatingin ng diretso. Mas gusto ko pang nakabath robe siya katulad ng kanina kahit papaano ay hindi lantad ang kabuoan niya sakin. Ngumisi ito ng mabungaran ako bahagya pa itong lumingon sa dalawang nasa sofa na ngayon ay magkapatong na, “Deli! Akala ko hindi ka na pupunta eh. Mabuti at pinaunlakan mo yung alok ko sayo.” “Feli matagal pa ba yan?!” Sigaw ng kung sino man sa loob. “Teka lang naman kausap ko pa kaibigan ko mahalaga ‘to!” nilingon ako nito muli. “Ano ba yan, Deli! Parang hindi ka pa nakakakita ng hubad na babae eh ganon ka naman pag naliligo.” “H-Hindi naman...” nginisian ako nito muli. “Masanay kana, Deli. Dahil simula bukas ng gabi ay puro ganito na makikita mo. Ganito na magiging buhay mo. ” Napatungo ako. “W-Wala bang kahit waitress, Feli?” pagbabakasakali ko. Humagikhik naman ito. “Deli, nagkaamnesia kaba? Alam mo umpisa palang ang trabahong alok ko sayo. At nilinaw ko naman na wala ng bakante sa waitress o kahit janitress dito. Ang tanging kulang ay ang babaeng magpapainit ng kama ng mga lalaking ‘to.” sabay nguso sa lalaking ngayon ay halos kainin na ang dibdib ng babaeng kaniig nito. “Pwede mo naman sabihin sakin kung back out ka,” sumandal ito sa hamba ng sliding door at bahagyang sinuklay ang buhok nito. Sandali akong natahimik. Kung tatanggihan ko siya ay masasayang lamang ang punta ko rito. Pang ilang beses niya na rin ako sinubukan tulungan at kanina lamang ay walang pagdadalawang isip itong tumulong sa kapatid ko. Isa pa, wala nako mapasukang trabaho paano na ang kapatid ko kung hindi ako hahawak sa patalim? “Feli, what's taking you so long?”mula sa likuran nito ay sumulpot ang lalaki na kaniig nito kanina lamang. Katulad niya ay wala rin itong saplot kaya ganon nalang din ang pigil ko na mapadako sa bandang ibaba ang paningin. “Woah is she your friend? Gusto mo ba ng threesome?” Nakatingin ito sakin habang ang mga kamay nito ay nilalamusak ang dibdib ni Feli. May itsura ang lalaki, matangkad ito may balbas na hindi naman ganon kahaba at kalago. Mukha itong foreigner. Hindi naman nagprotesta sa ginagawa sakaniya si Feli kahit ang mga kamay nito ay gumapang na sa p********e nito. Nakita ko pa ang pagpungay ng mata nito habang ang lalaki ay dinidilaan ang tenga ni Feli pero ang mata nito ay nakatingin sakin. “Tama na yan, hon. Saka na tayo mag threesome. Baguhan palang yan si Deli baka mabigla,” nginitian ako nito sabay kindat. Tumalikod ito sakin kasabay ng pasimpleng pagtulak paloob sa lalaki. “Deli, yung usapan natin bukas ha? Bukas ang simula mo. Sa umaga ko dadalhin ang mga isusuot mo. Huwag ka mag alala at bigay ko yon.” Pagkuwan ay hinalikan na muli nito ang lalaki bago pa nito tuluyang maisara ang sliding door nakita ko pa ang pagkindat ng lalaki sakin. Naiilang na lumisan naman ako sa kwartong iyon. Magkabilaang ungol na ang naririnig ko at hindi na iyon kaya pang masaksihan ng mga mata ko at tenga. Nang makalabas ako ng kwarto ay habol tingin naman sakin ang dalawang bouncer pero hindi ito nagsalita. Nang makalabas ako ng tuluyan sa bar ay saka lamang ako nakahinga ng maayos. Tama ba ginagawa ko? Tama ba gagawin ko? ---------- “DELI!” isang mahinang katok ang gumising sa akin. Tinignan ko ang kapatid ko tulog na tulog pa ito. Sa may bintana naman ay naaninag ko na ang liwanag sa labas. Dahil sa kakaisip ko kagabi ay napuyat ako ng husto. Kumatok muli ang kung sino man na nasa labas. Dito lamang ako nagpasya na pag buksan na iyon. Bumungad sakin ang babaeng naka make up at naka spaghetti strap. Nakashort ito na sobrang iksi at hapit na hapit sakaniya. Iniabot nito sakin ang isang itim na bag sabay ngumiti. “Good morning, Deli. Mukhang puyat ka ah?” sinipat nito ang mata ko. Marahil ay nagkaeyebags na agad ako. “Anyways, ayan na yung mga damit. Pinili ko talaga yan sayo. huwag ka mag alala sobrang mag stand out ka sa mga yan dagdag mo pa natural mong ganda maging sa pangangatawan mo. Dinagdagan ko na rin ng ilang make up set yan, nail polish at pang ayos ng buhok,” sinindihan nito ang yosi na tangan tangan bago ibinuga ang usok nito. Ngumiti ako ng tipid, “Salamat feli.” Tumango tango ito, “Sana naman ay hindi mo'ko iwan sa ere nito,Deli.” makahulugan niyang sabi. “Kung hindi mo talaga kaya ay sabihan mo ako huwag mo lang ako indianin.” Umiling ako, “hindi naman magsasabi ako pangako saka laki na rin ng naitulong mo samin magkapatid.” Iwinasiwas nito ang kamay upang mawala ang usak na bumalot sa pagitan namin bago tuluyang itinapon ang sigarilyo na tangan niya, “ Sabi ko naman sayo ayos lang yon. Pinabayaran ko ba? Diba hindi naman. Ang akin lang eh ayaw ko ng gagawin mo ito dahil lang sa utang na loob. Inalok kita ng trabaho dahil gusto ko maka angat kana rin sa buhay. Kawawa kapatid mo,” ngumuso ito sa direksyon kung saan kitang kita ang mahimbing na natutulog nna batang paslit. “Salamat,” tinapik nito ang balikat ko. “Tama na kapapasalamat mo. Unang gabi mo mamaya be on time.” Pagkuwan ay umalis na rin ito. Sinara ko ang pintuan at umupo sa mono block. Hinalughog ko ang bag. Katulad nga ng sabi niya ay puro iyon damit, make up at mga pang ayos. Habang inaalwas ko ang mga gamit sa loob nito ay nakarinig naman ako ng kaluskos mula sa kwarto. Madali kong ibinalik ang mga laman niyon sa loob. “Ate?” kukusot kusot pa ito ng mata. “Good morning, Buboy! Kumusta tulog ng bunso ko?” lumapit ito sakin at ginawaran ko naman ito ng halik sa noo niya. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay tinignan nito ang bag na itim, “ Ate bumili ka po bago bag?” “A-Ah hindi. Bigay yan ni ate Feli mo,” hahawakan niya sana iyon ng maiiwas ko. “Ah Buboy huwag mo muna tignan kasi maraming laman na babasagin ito. Kahit anong mangyari huwag na huwag mo bubuksan o papakielaman ito sa cabinet ha?” hindi pwedeng malaman ng kapatid ko ang laman nito. Magtatanong at magtatanong ito kung para saan ang mga iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng ngumiti na ito at nagsalin ng milo sa tasa niya. Pinanood ko lamang ang batang paslit na sa pagkain nito. Pasensya kana buboy kung magsisinungaling muna si ate sayo... NIYAKAP ko ang sarili ng dumampi ang simoy ng hangin na pang gabi. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na hinihigit pababa ang skirt na suot ko ngayon. Naiiling naman akong pinanunood ni Feli. “Pinasok mo ito, Deli kaya umayos ka na nga.” hinigit ako nito sa braso ko pero hindi ako nagpatinuod. “A-Ano kasi halos lahat ng damit na bigay mo sobrang iksi at halos luwa na dibdib ko wala kabang kahit dress na mahaba kahit hanggang tuhod?” tinignan ako nito na parang hindi makapaniwala. “Talaga bang pinag isipan mo to? Nakita mo naman kung anong trabaho rito paghahanapan mo'ko ng dress na halos maging madre kana? Paano ka makakahakot ng customer sa lagay mong yon?!” Napayukod naman ako. Totoong pinag isipan ko pero sa tuwing napapadpad ako rito sa bar na ito ay para akong tatakasan ng ulirat. Iba parin kasi talaga pag harapan mong nasasaksihan ang mga kalaswaan na ginagawa ng mga tao rito. Hindi sa naastang painosente sadyang hindi ko lang lubos maisip na may mga taong maglulustay ng malaking pera para lamang sa tawag ng laman. At ganon din ang mga babaeng nagtatrabaho rito at ngayon kabilang na ako sa kanila.... ganon kalaki ang nagagawa ng pera sa mga tao ngayon. “Deli, natakbo ang oras ano? Dito nalang ba tayo? May client din ako sa loob na kakabook lang sakin gusto ko na rin maikama,” walang preno sa mga salita nito. Prangka kung prangka. Napilitan na rin akong sumunod ng muli ako nitong hilahin. Malakas na tugtog at patay bukas na ilaw ang muling sumalubong sakin. Pinagkaiba lamang ngayon ay kasama ko na si Feli at hindi ko na kailangan sadyain sa kung saan mang VIP room. Sa paglalakad namin ay may nakasalubong kaming isang lalaki na nakasuot ng pang waiter. May ibinulong ito kay Feli bago ito lumingon sa gawi ko. Iginiya ako nito sa isang kwarto. Iba ito sa kwartong pinapunta sakin ni Feli kagabi. VIP room din ito pero mas malawak sa isa. Dahil sa loob nito ay may mini bar, flat screen T.V, dalawang mahabang sofa at mini table. Sa bandang likuran ng upuan ay ang sliding door na gawa sa salamin. Hindi kita ang loob dahil tinted ito at sa hinuha ko ay may kurtina rin itong nakatabing. Pinaupo ako ni Feli sa sofa na naroroon. Inalis din nito ang mga braso na kanina ko pa tinatabing sa dibdib ko. Nakasuot lang kasi ako ng black tube na tinernohan ng isang jeans na short na hapit na hapit sakin at halos wala pa sa kalahati ng hita ko ang natatakpan. “Magrelax ka nga, Deli! Swerte mo ngayon may nakabasa na agad ng portfolio mo at may nakapagbook na sayo,” ngumiti ito saka tumabi sakin bago nagsindi ng sigarilyo. “H-Ha? Unang gabi ko palang dito—” “Oh? Huwag mo sabihing hindi ka pa handa? Akala ko ba pinag-isipan mong maigi to? Kanina ka pa nga na parang natatae eh.” “H-Hindi naman sa ganon akala ko kasi may briefing pa parang ano...” halos pabulong ko ng sagot. Tumawa naman ito. “Ilang beses ko ng sinabi sayo masanay kana. Hindi ito katulad ng trabaho mo rati na need ka pa itrain. Dito may experience o wala ka ng magsimula ka habang natagal doon ka mahahasa at masasanay. Tibayan lang ng loob dito. Kaya ikaw kung gusto mo masustentuhan yang mga kailangan niyo tibayan mo loob mo.” napakagat ako sa ibabang labi ko. May punto si Feli. Kaya nga ako nandito ay para sa ganong dahilan. Hindi ito ang oras para mag inarte ako dahil andito na rin ako. “Feli kilala mo ba kung sino yung—” “Nako hindi. Gabi gabi iba iba nagiging customer dito, merong weekly paulit ulit magpapabook pag nagustuhan performance mo sa kama merong aaraw arawin ka. Saka nga pala masanay kana rin na makakasex mo minsan may asawa at anak. Pero huwag ka mag alala covered ka naman ng mga yon,” napangiwi naman ako sa naisip ko. Mukhang naintindihan naman ni Feli kung anong natakbo sa isipan ko, “ Huwag ka mag alala at bihira lang mangyari na may mapadpad dito na matanda na. Pero minsan higit sampung taon o bente pa nga minsan ang tanda sakin ng mga naging kliyente ko na. Kagandahan lang sakanila malaki magbigay ng pera at may tip pa. ” inilagay nito sa ash tray ang kakalhati pa lamang niyang sigarilyo. Parehas naman kaming napalingon ng bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang nakashades na lalaki. Nakaitim na tuxedo ito at may ear piece na suot. Nilingon ni ako ni Feli, “ Andiyan na pala client mo eh. Ayan na body guard niya,” sabay nguso sa pumasok. Tumayo ito at akmang aalis na ng pigilin ko ito sa braso, “A-Ano—” hinawakan ako nito sa kamay at binigyan ng isang ngiti.Ngiting nakapagpanatag ng loob ko kahit papaano. “Huwag ka mag alala hindi ka nila sasaktan kailangan lang nila ng magpapararausan. Kaya mo yan Deli una nako kita nalang tayo mamaya,” hindi na ako nito hinayaan makapagsalita at umalis na. Kasunod nito ang sinabing body guard ng client ko hindi pa man naisasara nito ang pintuan ay may muling pumasok. Isang matangkad na lalaki na naka puting polo. Nakabukas ang dalawang butones nito. Hindi ko gaano maaninag ang mukha nito dahil sa dim lamang ang ilaw sa loob nito. Ganon nalamang ang pagtambol ng puso ko ng magsalita ito. “Delila”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD