“Ang ganda ganda mo, Teh!” tiling puri ni Alexa. Andito siya sa kwarto ko kasama si Tanya na ngayon ay kakatapos lamang kulutin ng buhok. Himala at hindi nito alintana ang presensya ni Tanya. Kanina ay nagtatalo pa ang dalawa kung paano ako aayusan. Sa huli, ay nagkasundo rin ang dalawa. Kinulot ni Tanya ang straight kong buhok at namangha naman ako dahil bumagay ito sa akin. Si Alexa naman ang siyang naglagay ng make up sakin. Ginawa lang niyang natural ang itsura ko dahil sabi niya ay natural na maganda naman daw ako kaya ihahighlight nalang daw niya ang natural beauty ko. Tinignan ko ang mga long gown na nakahanda sa kama. Tatlo iyon at lahat ito kay Tanya. Hindi ako makapili dahil bukod sa lahat ay magaganda, hindi ko alam kung anong babagay sakin. Meron itong kulay pula na alam ko

