“Delila, can we talk?” napatingin ako kay Tanya na ngayon ay bumitaw na sa aking pagkakahawak walang emosyon sa mukha nito, hindi katulad kanina. Si Timothy naman ay kausap na ang ama niya. “Sige po,” tumayo ito at sinundan ko lamang ang direksyong tinatahak nito. Napansin ko na papunta kaming third floor ng mansion. Sa tagal ko na rito ay hindi ko pa nalilibot ang bahaging ito ng bahay. Sabi sainyo eh malawak dito. Dinig na dinig ang tunog ng sandals nito sa bawat pag-hakbang nito. Hanggang sa tumigil ito sa isang pinto na nasa gitna ng floor. Binuksan niya ito at agad na bumungad sa aming dalawa ang isang malawak na kwarto na may King size bed. Halatang hindi ginagamit ang kwarto pero alaga at linis marahil panigurado ng mga kasambahay ng mga Gornez. Pumasok ito at ako naman ay sa una

