┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Wow, ate... ang ganda ng sapatos ko. Buong buhay ko, hindi pa ako nagkaroon ng ganito kagandang sapatos." Sabi ni Jasper, halos hindi na mapakali sa tuwa habang sinusukat at inilalakad 'yung bagong sapatos na pang basketball na pasalubong sa kanya ng ate niya na si Madel. Napangiti naman agad si Madel habang pinagmamasdan ang kapatid niya na sobrang saya dahil sa mga pasalubong niya sa mga ito. "Anak, ang dami mo namang pasalubong? Paano ka nakabili ng mga ito? Hinbi at mahigit isang linggo ka pa lang naman nagtatrabaho sa Maynila?" Sabi ng kaniyang ina habang iniisa-isa niya ang mga pasalubong sa kanila ni Madel. Bigla namang kinabahan si madel at ang isipan niya ay mabilis na naghahanap ng isasagot sa kanyang ina. Napatingin pa sa kanya ang ama niya, kaya isang matam

