❀⊱Madel's POV⊰❀ Nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain na humahalimuyak sa loob ng buong silid ko. Parang may kung ano na humihila sa akin, kaya ang bilis ng pagkakabangon ko mula sa kama. Pagtingin ko sa orasan sa end table, nagulat pa ako at alas diyes na pala ng umaga. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi, paulit-ulit ang mga iniisip ko tungkol sa buhay na kinasasadlakan ko. Dalawang linggo na ako dito sa condo ni Orion, pero feeling ko pa rin ay namamahay ako. Kinapa ng paa ko ang tsinelas sa gilid ng kama, at dahan-dahan akong tumayo, medyo nahihilo pa dahil sa kakulangan ng tulog. Mabilis akong nagtungo sa banyo, naghilamos agad para maging fresh, at saka ako nag-toothbrush. Pagkatapos, nagmamadali na akong lumabas ng silid, curious kung ano ang niluluto niya. Habang nag

