┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Napapadalas na ang pananakit ng tiyan ni Madel, kabuwanan na niya na at ang sabi ng doktora sa kanya ay anytime... pwede na siyang manganak. Panay din ang lakad niya, maya't maya dahil kung minsan ay naninigas ang tiyan niya at hindi niya alam kung masasabi ba niya kung papahilab na ba ito o normal lang na sumasakit ito at naninigas. Ang alam lang niya... mula ng magising siya ay panay na ang pananakit ng tiyan niya. "Mukhang naglalakad-lakad ka para ma-exercise." Bigla siyang napalingon sa doktora ng marinig niya ang boses nito. Bahagya siyang ngumiti, pilit at may kasamang kirot sa mukha niya na agad namang napansin ng doktor. "Wait... okay ka lang ba? Sumasakit na ba? Halika rito at mahiga ka sa kama para ma-check ko kung malapit ng lumabas ang baby mo." Sabi ni dok

