Chapter 2 -Masakit na katotohanan-

2013 Words
❀⊱Madel's POV⊰❀ "Anak, ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit tila aligaga ka yata?" Napatingin ako kay Mama, isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi ko. Hindi niya dapat makita na may mabigat akong problema. Hindi niya dapat maramdaman ang takot na unti-unting sumasakal sa dibdib ko. Ayokong malaman nila ang naging desisyon ko upang hindi mawala sa amin ang lupain ni Papa. Hindi nila kailangang malaman kung ano ang tunay na kapalit ng pagkabawi ng lupain namin. Alam kong kapag nalaman ito ni Papa, magagalit siya. Magwawala. Magpapakamatay na lang siguro siya kaysa tanggapin ang ginawa kong desisyon, ganuon kasi si Papa, mahal na mahal kasi nila ako. Pero ano pa bang magagawa ko? Wala naman akong ibang pagpipilian kung hindi ang sundin ang gusto ng lalaking 'yon. "Wala po, Ma. Hinihintay ko lang po si Arthur. May sasabihin po kasi ako sa kanya." Sagot ko. Mahinahon lang ang pagkakasabi ko, pilit ko kasing itinatago ang panginginig ng boses ko. Napangiti naman si Mama at tumango siya sa akin, tinitigan pa ako at muli siyang ngumiti. Iba talaga si Mama, laging kampante, laging tiwala na magiging maayos ang lahat. Magkaiba sila ni papa, kasi si Papa, minsan na niyang tinangka ang magpakamatay at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan niya. Matagal na 'yong nangyari, kaya nga pumayag ako na magpakasal sa lalaking 'yon para hindi maapektuhan si Papa kapag nawala sa amin ang lupain niya. Bumalik si Mama sa kusina, habang ako naman ay nagmamadaling lumabas ng bahay. Kailangan kong huminga, kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang sasabihin ko kay Arthur na hindi ito magwawala. Alam ko na magugulat ito, kasi wala naman kaming problema, at maayos ang relasyon naming dalawa, pero masisira ang lahat dahil sa Orion Dale na 'yon. Naglakad ako papunta sa tambayan namin, sa ilalim ng malaking puno malapit sa palayan. Dito kami madalas tumambay, mag-usap, tumawa... mga alaalang hindi ko na mababalikan pagkatapos ng gabing ito dahil bukas mababago na ang buhay ko. Tumulo ang mga luha ko kaya agad ko itong pinunasan at tumingin sa paligid. Buti na lang at walang tao. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi, hindi ako puwedeng magpatalo sa emosyon. Kailangan kong maging matatag. Bukas na ang alis ko. Bukas, magsisimula na ang impyerno ng buhay ko... kasama ang lalaking hindi ko man lang kilala nang buo ang pagkatao niya. At masakit. Masakit dahil mahal ko si Arturo. Mahal na mahal, pero kailangan ko na siyang hiwalayan upang maging malaya na siya at makahanap siya ng ipapalit sa akin. Napapikit ako, pilit na itinatago ang kirot sa puso ko. Para sa amin ni Arthur, ito na ang katapusan ng masaya naming relasyon. At para sa akin… ito naman ang simula ng isang bagong buhay na hindi ko ginusto. Ang buhay na alam ko na hindi magiging madali kapiling ang lalaking 'yon. Nararamdaman ko na hindi siya mabuting tao, at iyon ang ikinatatakot ko. "Ano ang ginagawa mo dito?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Rone. Nang lumingon ako, nakatayo siya sa likuran ko, nakapamaywang at nakakunot ang noo. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Napansin kaya niya na umiyak ako? Si Rone Caillin Guerrero ay best friend ko, mabait siya, maganda at mapagmahal na kaibigan. Tipid akong ngumiti sa kanya, pero hindi ako nagsalita. Ibinaba ko na lang ang tingin ko sa lupa. Ayoko kasing mapansin niya na basa ang mga mata ko. "Magkikita ba kayo ni Arthur dito?" Tanong niya, pagkatapos ay naglakad at naupo sa tabi ko. Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. Kilala ko ang kaibigan ko, alam ko na nararamdaman niya na may problema ako na hindi ko sinasabi sa kanya. Alam kong gusto niya pang magtanong. Gusto niyang malaman kung ano ang bumabagabag sa akin, kung bakit parang ibang tao ako ngayon, pero hindi ko kayang sabihin. Nangako ako sa lalaking 'yon na walang makakaalam ng tungkol sa kasunduan namin. Bukas, kailangan ko nang umalis at magtungo sa America upang pakasalan ang isang lalaking hindi ko mahal. Hindi ko gusto... at ni hindi ko lubos na kilala. Pero isang taon lang naman niya ako na magiging asawa. Isang taon akong magiging bahagi ng buhay ng lalaking sigurado akong may tinatagong kasamaan, kaya sana ay kayanin ko ito. Orion Dale. Naririnig ko pa lang ang pangalan niya, parang may kung anong dumadagundong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero alam ko at nararamdaman ko na may mali sa pagkatao niya. May kung anong bagay sa presensya niya ang nagdudulot ng hindi maipaliwanag na takot sa akin. Hindi ko man siya lubos na kilala, pero ang mga mata niya... kahit isang beses ko pa lang siyang nakita, ngunit hindi ko na makalimutan ang titig niyang nakakapanindig-balahibo. "Sa tingin ko ay may problema ka." Napatingin ako kay Rone, kumunot ang noo ko at saka ako umiling. "Wala naman akong problema. Hinihintay ko lang si Arthur. May sasabihin kasi ako sa kanya." Sabi ko. Natawa pa ako, pilit kong ipinapakita na maayos ako. "Okay. Sabi mo eh! Anyway, mamayang gabi ha, 'yung lakad natin mamaya sa plaza ni Jacqueline, huwag mong kalilimutan." Sabi ni Rone. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Si Jacqueline Teo ay best friend namin ni Rone. Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Si Orion, kinabahan tuloy ako. Tumingin ako sa kaibigan ko, ngumiti ako at sinabi ko sa kanya na final interview ito para sa trabaho na inaplayan ko. Sabi ko kasi sa kanila na bukas ay nasa Manila na ako dahil sa training, pero ang totoo ay lilipad ako patungong America. Naglakad ako hanggang sa nakasisiguro na ako na hindi maririnig ni Rone ang pag-uusapan naming dalawa ni Orion. Ayokong malaman niya ang totoo dahil ayokong madamay siya sa katangahang nagawa ko. "Nasabi mo na ba sa nobyo mo na tapos na kayo?" Napakagat labi ako. Ayoko talagang gawin ito, pero wala naman akong choice dahil ayokong mawala kay Papa ang lupain niya. "H-hindi pa eh, hinihintay ko pa siya ngayon. H-huwag kang mag-alala, t-tutupad naman ako sa pangako ko. Makikipagkita ako sa kanya ngayon at tatapusin ko na ang lahat sa amin." Napiyok ako, pilit kong pinipigilan na maiyak ako. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako, parang gusto ko ng umatras. "Ano ang sinasabi mo sa kasama mo?" Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niyang nalaman na may kasama ako? Bigla tuloy akong napalingon sa paligid ko. Nandito ba siya? Binabantayan ba niya ang bawat kilos ko? "W-wala, wala akong sinasabi sa best friend ko. Promise Orion, hindi ako nagsisinungaling." Sagot ko, nanginginig na ang boses ko. Ngayon pa lang ay matinding takot na ang nararamdaman ko. "Siguraduhin mo lang. Sige na at gawin mo ang ipinangako mo sa akin na tatapusin mo na ang relasyon mo sa lalaking 'yon. Maghanda ka na dahil mamayang gabi ay luluwas ka na ng Manila." Nagulat ako sa sinabi niya. Bukas pa ang usapan namin, pero bakit tila nagmamadali siya? May usapan pa kami ng mga kaibigan ko, paano ko 'yan maipapaliwanag sa kanila? "Ha? Akala ko ba bukas pa ng umaga? May lakad kasi kami ng mga..." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad ito ng muli siyang magsalita. "Wala akong pakialam! Sundin mo ang sinabi ko. Masama akong magalit Madel, kaya kung ako sa'yo, gawin mo na lang ang sinabi ko. May susundo sa'yo mamaya sa istasyon ng bus, at tutuloy ka sa bagong apartment mo na tutuluyan mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Wala na akong magawa kung hindi ang tumango, mukha namang malalaman niya na tumango ako. Naputol na ang pag-uusap namin, talaga ngang may nakatingin sa amin. Humugot ako ng malalim na paghinga. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at saka ako ngumiti. Kaya ko ito, kayang-kaya ko ito. Alam ko naman na mauunawaan ng mga kaibigan ko ang sitwasyon ko. Palalabasin ko na lang na tinanggap na agad ako at kailangan kong umalis na agad mamayang gabi. Paglapit ko kay Rone ay siyang dating naman ni Arthur. Niyakap agad niya ako ng mahigpit, pero nakaramdam ako ng takot sa kung sino man ang taong nagmamatyag sa amin ngayon. "Maiwan ko na kayo, mukhang mahalaga ang pag-uusapan ninyo." Sabi ng kaibigan ko. Tumango ako at bumitaw ako kay Arthur, pagkatapos ay tumingin ako sa paligid. "Babe, ano ba ang pag-uusapan natin?" Hindi ako nagsasalita, nanginginig ang katawan ko. Hindi ko yata kayang saktan ang lalaking mahal ko. Umiling-iling ako, kinuha ko ang phone ko at saka ako nagpadala ng mensahe kay Orion na ayoko na. Ilang minuto pa ang lumipas at wala akong nakukuhang sagot. Hindi ako makahinga, natatakot talaga ako. Tumingin ako kay Arthur at ngumiti ako sa kanya, kaya kinuha niya ang kamay ko at saka niya hinalikan ang likod ng palad ko. "Madel! madel anak, halika dito anak, pinapalayas na tayo sa bahay natin at sa lupain natin." Sumisigaw na sabi ng aking ina. Bigla akong napalingon, tumulo ang mga luha ko ng makita ko ang aking ama na itinataboy ng mga kalalakihan. Bigla kong kinuha ang phone ko at nagpadala ako ng mensahe kay Orion na binabawi ko na... na susunod na ako sa kagustuhan niya. Umaasa ako na bibigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon. Ayokong makitang ganito ang mga magulang ko. Nakita ko na isa-isa ng umaalis ang mga kalalakihan kaya napatingin ang mga magulang ko sa kanila. Narinig ko ang sinabi ng isang lalaki na hinahayaan na kaming tumira sa bahay namin at mananatili daw kami sa tirahan namin na wala ng mang-aabala pa. "Good girl. Do your part, and break his heart." Mensahe na natanggap ko. Tumulo ang mga luha ko at humarap ako kay Arthur na nagulat sa nangyari kani-kanina lang. nanginginig ang boses ko ng magsalita ako. Sinabi ko sa kanya na tinatapos ko na ang lahat sa amin. Nagulat siya at ayaw niya itong tanggapin, pero wala na akong magagawa pa. Kailangan ko itong gawin para sa mga magulang ko. "Please, babe. Huwag mong gawin sa akin ito. Mahal kita." Sabi niya at niyakap niya ako. Umiyak ako ng umiyak at nagsinungaling ako sa kanya para lamang mamuhi na siya sa akin. "Sorry, pero hindi na kita mahal. Hindi mo naman ako kayang suportahan dahil katulad namin ay isa ka lang mahirap. Ang gusto ko ay 'yung kaya akong buhayin. Sorry Arthur, pero hanggang dito na lang ang lahat." Sabi ko. Masakit para sa akin ito. Nakita ko ang pandidilim ng kanyang mga mata at saka ako bahagyang itinulak. Nagulat ako sa naging reaksyon niya, pero hindi ko siya masisisi kung magalit siya sa akin. "Well, sa'yo na rin naman nanggaling na tinatapos mo na ang lahat sa atin. So, mabuti na ang malinaw. Kahit wala akong perang ipagmamalaki, masarap ako sa kama at pinapatunayan ko 'yan kay Mona. Matagal na kaming may relasyon at naibibigay niya sa akin ang pangangailangan ko sa kama, hindi katulad mo na simpleng pa-birhen, pero mukha ka naman palang pera. Alam mo ba kung bakit ngayon lang ako dumating? Kasi nakapatong sa akin si Mona kanina sa kubo ni lolo sa lupain namin, kung saan lagi tayong nagkukuwentuhan. Kumakadyot siya sa ibabaw ko habang tumitirik ang mga mata ko sa sarap. Hindi mo kayang gawin 'yon kaya sa kanya ko ginawa ang dapat ay sa'yo ko ginagawa, at araw-araw niyang pinupunan ang lahat ng pagku..." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya sa akin at isang malakas na sampal ang iginawad ko sa mukha niya. Pagkatapos ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Hindi ko na siya nilingon pa. Ang kapal ng mukha niya na aminin sa akin na kinakalantari pala niya si Mona. Kaya naman pala ganuon ang tingin sa akin ng babaeng 'yon dahil nagpapakasasa sila sa katawan ng bawat isa. Ang kapal ng mukha nila! Bakit parang ang malas ko naman yata sa buhay? Mahal na mahal ko si Arthur... pero bakit niya ito ginawa sa akin? Sinungaling siya, manloloko lang pala ang hayop na lalaking 'yon! Hindi na lang muna ako umuwi sa amin, tumakbo lang ako palayo, palayo sa kanilang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD