Chapter 6 -Orion-

1441 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Damn, bro... seryoso ka ba?" "What’s with that surprised look? You already know she wanted this. I only gave her what she deserves. And once I get her pregnant, I’ll make sure she never sees the baby after it’s born. She signed the contract... she’s bound to obey." Wika ni Orion, pagkatapos ay hinitit nito ang kaniyang sigarilyo. Umayos siya ng pagkakatayo niya, pagkatapos ay itinaas ang sleeves ng kanyang polo hanggang siko, kaya humantad ang ilang tattoo niya sa kanyang braso. "That's cruel bro. Kukuhanin mo ang bata sa kanya." Sabi ni Noah. Mahinang natawa si Orion, at muli niyang hinitit ang kanyang sigarilyo. "Really? Then tell me this, man... who stayed by her side for almost six damn months while she was in a coma? Me. And the moment she woke up, she walked away like none of it mattered. Natagpuan ko siya sa gilid ng kalsada, covered in blood after a hit-and-run. Inalagaan ko siya habang wala siyang malay, sinigurado ko na mahusay ang doktor na tumitingin sa kanya. Wala siyang pagkakakilanlan, wala siyang dalang gamit na kahit na ano, or biktima rin siya ng holdup ng gabing 'yon, pero wala na akong pakialam pa duon. Inalagaan ko ang babaeng 'yon at alam na alam mo 'yan, pero ano ang nangyari sa huli? Umalis siya ng hindi na inalam kung sino ang tumulong sa kanya. Ni hindi na siya bumalik pa para pasalamatan man lamang ang taong tumulong sa kanya. That’s what you call ungrateful. Dapat hinayaan ko na lang siyang mamatay nuon sa gilid ng kalsada." May galit na sabi ni Orion. "Well, naiintindihan naman kita sa part na 'yan. Kung sabagay, sa akin man 'yan mangyari, baka higit pa diyan ang magawa ko. Pero akalain mo nga naman noh... iyong anak ni Stewart pala na 'yon ang babaeng tinulungan mo nuon. Wala tayong kaalam-alam na nasa malapit lang pala siya. Mag-aapat na taon na rin mula ng umalis siya sa poder mo." Humugot ng malalim na paghinga si Orion, ngumisi ito at muling hinitit ang kaniyang sigarilyo. Iniwanan muna niya si Madel sa condo niya sa South Carolina at lumipad sila ni Noah patungo ng California. "Kung akala niya ay tuluyan na niyang natakasan ang taong tumulong sa kanya nuon... damn, nagkakamali siya. Talagang siya pa ang kusang lumapit sa akin dahil sa pagkakautang ng kaniyang pamilya. Mabuti na lamang pala at nagtungo tayo ng Bukidnon para singilin na ang matandang 'yon. Ang laki na ng pagkakautang niya sa akin, pero singko man ay hindi nila ako nagawang bayaran. Pagkakataon nga naman... makakabayad na sila sa akin, nakaganti pa ako sa kanya. Pasalamat siya at iyan lang ang gagawin ko sa kanya. Siya ang lumapit, hindi ako. Kaya pagsisisihan niya ang ginawa niyang paglapit sa akin." Matigas na pagkakasabi ni Orion. Tinapik naman siya ni Noah sa balikat. "Tandaan mo lang bro... ikaw ang naglalaro ngayon ng kapalaran niya, baka sa huli ang kapalaran mo ang paglaruan ng babaeng 'yon. Mag-iingat ka rin, huwag kang mahuhulog sa babaeng 'yon." Paalala ni Noah na ikinatawa ni Orion. Umiling-iling pa ito na para bang sobrang nakakatawa ang sinabing 'yon ng kanyang matalik na kaibigan. "Sa tingin mo ang isang katulad niya ang hahabulin ko? Baka nakakalimutan mo... akala ko rin dati ay nahulog ang damdamin ko sa kanya sa loob ng anim na buwan, pero ng umalis siya sa poder ko... duon ko napatunayan na matinding awa lang pala ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko nga siya hinanap, hindi ba? Wala na akong pakialam pa sa kanya after niyang lumayas ng walang paalam, o pasasalamat. Kung hindi kami muling nagkaharap, nailibing na sana siya ng tuluyan sa limot. Parang isang bagay na dumaan lang sa buhay ko ng walang halaga at dapat lang kalimutan. Kaso, lumapit siya sa akin, kaya sino ba ako para hindi siya pagbigyan. Kung ano man ang impyernong mararanasan niya sa buhay ko... siya ang nagdala sa sarili niya at hindi ako. Kasal man kami, pero sa kasulatan lang ang lahat at isang taon lang o hanggang sa maipanganak niya ang magiging tagapagmana ko. Hindi niya ako mahal at lalong hindi ko siya mahal. Gagawin ko kung ano ang gusto ko, at gawin niya ang gusto niya ng walang makikialam sa kanya." Sabi niya. Tumango na lamang si Noah. Nasa isang club sila ngayon, pero nasa labas pa sila at nag-uusap. Pero matapos ang sigarilyo ni Orion ay tinapik na niya sa balikat si Noah upang pumasok na sa loob at harapin ang taong ka-meeting nila. Maingay sa loob ng club. Kanya-kanya ng usap ang mga tao. Maririnig din ang malakas at maingay na musika sa loob at ang mga kalansing ng mga bote ng alak, at mga baso at kopita. Isang lalaki ang agad na kumaway sa kanila ng makita sila na papalapit na sa area ng VIP na napapaligiran ng velvet rope at may mga bantay na bouncer ng club. "Mr. Orion Dale and Mr. Noah Hendrickson. It’s a pleasure to meet the both of you. I’m glad I got the chance to sit down and have this meeting with people like you." Sabi ng isang Amerikano na ka-business meeting nila ngayon. Ngumisi lang si Orion, habang si Noah naman ay bahagya lang tumango. Agad silang pinaupo sa silyang naghihintay sa kanila, pero bago pa man sila makaupo, isang boses ng babae ang narinig nila. "Oh my gosh... is that you baby?" Boses ng isang babae na ikinalingon agad ni Orion at ni Noah. Ang lakas tuloy ng pagkakatawa ni Noah ng makilala nila kung sino ang babae. "What the f**k, Cassidy... what are you doing here?" Gulat na sabi ni Orion. Si Cassidy Monroe ay anak ng ka-business partner niya na naging kasintahan niya. Pero walang closure ang naging paghihiwalay nila, kaya para kay Cassidy, nobyo pa rin niya si Orion. "I was hanging out with my friends, and then... I see you here. Oh my God, baby, I’ve missed you so much!" Malanding sabi ni Cassidy at bigla niyang itinaas ang velvet rope, pero agad siyang pinigilan ng mga bouncers kaya medyo nagwala si Cassidy at ipinagsisigawan pa na nobyo niya si Orion. Tawa lang ng tawa si Noah habang nakikita niya ang inis sa mukha ng kanyang pinuno. Kinausap pa ni Noah ang mga bouncer na hayaang makalapit si Cassidy kaya ang laki ng pagkakangiti ng dalaga ng agad itong pumulupot sa braso ni Noah. "Good evening, beautiful young lady." Sabi ng lalaking ka-meeting nila Noah. Mas lalo tuloy lumaki ang pagkakangiti ni Cassidy at saka humalik sa labi ni Orion. "Stop it." Bulong ni Orion, at bahagya itong ngumiti sa lalaking nakaupo sa harapan nila. Si Noah naman, aliw na aliw sa kanyang nakikita kaya hindi ito tumitigil sa kanyang pagtawa. "Bakit ba? na-miss kaya kita. Ilang beses mo na akong pinagtataguan. Akala mo yata ay makakatakas ka sa akin. Huwag na huwag mo akong ipagpapalit sa kung sinong babae, dahil sisiguraduhin ko sa'yo na ipaparanas ko sa kanya ang impyerno. Ako ang girlfriend mo, ako lang dapat ang laging nasa tabi mo." Mahina niyang sabi. Natawa tuloy si Orion at tinanggal ang kamay ni Cassidy na nakapalupot sa kanya. "May meeting ako. Pwede ba umalis ka muna dahil mahalaga ang business proposal na ito. Kapag hindi ka umalis, ipapakaladkad kita." Mahinang sabi ni Orion. Sumibangot naman agad ang dalaga, at inis itong tumayo. "Nandito lang ako sa kabilang table. Hihintayin kong matapos ang meeting ninyo. You won’t get away from me this time." Sabi nito, kaya napapailing na lamang si Orion, habang malakas pa ring tumatawa si Noah. Sa inis niya ay siniko niya ang matalik niyang kaibigan. "Sorry about that. Let’s get started with why we’re here. Show me your business proposal." Seryosong sabi ni Orion. Tumahimik na rin si Noah, at ang mga kasama nilang tauhan na nakabantay sa kanila ay alerto lang ng sinenyasan ito ni Noah na huwag palalapitin si Cassidy habang may kausap sila. "I love you baby! You are mine and mine alone!" Malakas na sigaw ni Cassidy, kaya ang lakas muli ng pagkakatawa ni Noah. Inis na inis naman si Orion na sinenyasan ang mga tauhan niya upang patahimikin si Cassidy, o palabasin ito ng club upang sila maistorbo. Agad namang tumalima ang mga tauhan nila at agad na pinalabas ng bar ang grupo ni Cassidy. Nagwawala man ito, pero wala na silang nagawa pa. "Hihintayin kita sa labas." Sigaw pa niya. "Mukhang mahihirapan ka talaga sa isang 'yan." Mahinang bulong ni Noah. Napailing na lamang si Orion at sinimulan na nila ang dahilan kung bakit sila nasa club na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD