Masakit ang ulo ni Erin nang bumangon siya sa kama. Napaungol siya nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha dahil roon ay mabilis siyang naglakad papuntang banyo. Sapo-sapo ang ulo at nakapikit na pumasok siya sa kanyang banyo at agad na nagtoothbrush. Napaharap siya sa salamin habang nagsisipilyo ngunit, natigilan siya nang makita na ang suot niya kahapon ay suot niya pa rin hanggang ngayon. Nanlaki ang mata nang ma-realized kung ano ang nangyari sa kanya. “What the hell happened to me?!” Aniya sa sarili at sinuri ang katawan kung mayroon bang galos o kahit na anong palatandaan na may nangyari sa kanya. She sighed in relief when she found-out nothing happened to her except ofcourse yesterday. Ang natatandaan niya ay pauwi na siya ng bahay kagabi. Napakagat siya ng labi mun

