“Thank you for killing me.” Nanghihinang sambit ng dalaga sa mga katagang ito habang nakangiting nakatitig sa binata hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata niya. Tuluyang ipinikit ni Erin ang mga mata mula sa pagod at pagsuko sa buhay. Pagod na siya, pagod na pagod na. She chooses to let go of her dreams rather than to suffer in this life full of monsters and beasts. Natigilan si Alejandro sa mga katagang lumabas sa bibig ng dalaga hindi niya inaasahan ang sinambit nito. Lahat ay natigilan sa nangyari. Pare-parehas silang basa ng ulan. Mula sa itaas ng mansyon ay kitang-kita ni Danica ang lahat ng nangyari. Naroon ito pero wala itong nagawa dahil mahigpit ito hawak ng mga tauhan ni Alejandro habang tinakpan nila ang ang bibig nito. Hilam ng mga luha ang mga mata

