Nilagay ko sa maayos ang mga gamit ko sa kabinet.Nakaramdam agad ako ng gutom, hindi pa kasi ako nakakain ng tanghalian. Napag-isipan ko muna na bumaba sa kusina. Napamangha talaga ako, ang ganda at ang linis ng kusina. Lalaking-lalaki ang dating, nakakatuwa naman. Halos mga lulutuin pa ang mga pagkain sa ref, siguro mahilig magluto si Ulysses. Gumawa na lang ako ng sandwich at nagtimpla ng orange juice.Pagkatapos ko kumain bumalik ako sa kwarto ni Ulysses dahil nakaramdam ako ng antok, siguro matutulog muna ako total wala naman akong gagawin at bawal daw ako lumabas. Nagising ako na magalas-singko na ng hapon. Ano oras kaya ang dating ni Ulysses? Bakit parang excited yata ako? Bumaba na lang ako at nanuod ng tv. Habang abala ako sa panunuod, biglang may nagbukas ng pinto at niluwa si

