chapter 3

1072 Words
Maaga ako gumising para maghanda sa pagpasok. Dumiretso na agad ako sa kusina. Kumakain na si mommy at daddy pagdating ko. "Oh, Cassy baby, halika na," sabi ni Mommy na nakangiti ito. Tamad akong umupo at nilagyan ko ng isang toasted bread ang plato ko at nagsalin ng juice. "Oo nga pala Cassy, agahan mo umuwi at huwag na kung saan-saan dadaan, dahil pupunta dito iyong kaibigan kong business partner at kasama ang kan'yang mag-ina for dinner," sabi naman ni Daddy. "So?" taas kilay na sagot ko. "Umayos kang bata ka!" galit na saad ni Daddy na namumula pa ang pisngi. "Ano ba kayong dalawa, sa harap tayo ng pagkain," sita naman sa amin ni Mommy. "Anak please umuwi k ng maaga," pakiusap ni Mommy sa akin. "Okay," ealang ganang sagot ko. Mabilisan akong kumain at tumayo agad, humalik muna ako sa pisngi nina Mommy at Daddy.. "Bye Mom and Dad." Bawal pa ako magdala ng sasakyan kasi ayaw ako payagan ni Daddy na kumuha ng license dahil alam niyang nasa galaan lagi ako. Actually marunong naman ako magdrive dahil minsan na akong tinuruan ni Ross na kapatid ni Ann. Hinatid lang ako ni Manong Mario ang family driver namin sa University. Napaaga pa yata ang dating ko sa School. Pumasok na ako sa room ko at doon na maghintay sa mga kaibigan ko. Habang hindi pa nagsisimula ang klase, nakaidlip naman ako. Siguro nasa room din nila sina Kelly, Jane at Bea at hindi na nila ako pinuntahan dito. Nagising naman ako sa ingay ng kaklase ko, maya maya't lamang dumating ang professor namin. "Miss Salvacion?" tawag ni Prof sa akin. "Yes, Sir?" "Really, after one week na hindi ka pumasok at nagparamdam, where is your parents?" galit na saad ng prof ko. Napingiwi naman ako. Hindi ako sumagot, nakatingin naman ang mga kaklase ko sa akin. The f**k! "Get out! Hindi kita tatanggapin sa klase ko. Bring your parents here para makausap ko sila!" galit na saad niya. 'Di huwag! Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. Nagtext na lang ako sa mga kaibigan ko na uuwi na ako. Nagtanong sila kung bakit at sinabi ko rin sa kanila ang tunay na dahilan. Sumakay na lang ako ng taxi pauwi at ayoko ko na rin magpasundo sa driver. Nakita ko si Mommy at Daddy sa sala na nanunuod ng TV. Ang alam ko every monday pahinga ni Daddy sa work sa aming kompanya. "Ang aga mo yata, anak?" gulat na saad ni Mommy. "Hindi po ako tinanggap sa klase ng prof ko mommy," sumbong ko naman. "Really? O dahil may ginawa ka na naman na kalokohan ? Ano ba plano mo sa buhay, Cassy huh?!" galit na tanong ni Daddy. "Daddy naman, sa ayaw ako tanggapin, kailangan daw kayo ni Mommy pumunta doon," naiinis na sagot ko naman. Galit na galit akong tiningnan ni Daddy. Agad nama ako nagpaalam na ako na magpahinga muna. Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng mahabang oras, halos alas kwatro na ng hapon ako gumising. Inayos ko ang aking sarili at bumaba dahil nakaramdam ako ng gutom. Nakita ko si Mommy na busy sa paghahanda ng lulutin kasama iyong dalawang katulong. "Hi baby, kumain ka na ng tanghalian, hindi na kita ginising kanina dahil ang sarap ng tulog mo," nakangiting sabi ni Mommy "Anong mayroon, Mom?" nagtatakang tanong ko naman. "Remember, pupunta dito mamaya iyong friend ng Daddy mo at gusto ko ako angà magluluto para matikman naman nila iyong recipe ko at ikaw dapat around 6:30, nakaayos ka na. Tamad akong tumango at kumuha na lang ng pagkain at bumalik sa aking kuwarto. Nanuod na lang ako ng movies at around 5:30pm, gumayak ako sa pagligo. Pinili ko suotin ang simpleng dress na kulay puti, above the knee ang haba. Nilugay ko na lang ang buhok ko at naglagay ng konting blush on at lip gloss.Narinig ko kumatok sa pintuan at sinabihan ako na bumaba na dahil dumating na ang mga bisita ni Daddy. "Oh, nandito na pala ang unica hija namin," nakangiting saad ni Daddy. Umupo ako sa tabi ni mommy at sobrang nagulat ako nasa harapan ko ang taong pinapangarap ko, si Ulysses! "Hija, si Tito Grey mo at si Tita Faye. At nag-iisang anak nila, si Ulysses," nakangiting saad naman ni Mommy. "Ang ganda pala ng anak mo, Liana," aniya ni Tita Faye. "So, can we talk now the wedding?" biglang sabi ni Tito Grey. "What?! gulat na sabi ko. Of course, nabigla rin ako. "Ipapakasal ka namin kay Ulysses," saad ni Daddy. "Dad!? Seriously!" nanlalaki naman ang mga mata ko. "Hija, kahit na magpakasal kayo ni Ulysses, you can continue your study," saad naman ni Tito Grey na nakangiti sa akin. Wala ako naintindahan sa ibang sinasabi nila.Nalilito ako seyempre.Tumingin ako kay Ulysses parang okay lang sa kan'ya na magpakasal kami. "So the wedding held on next month, just a few family and friends only," saad ni Tita Faye. "Okay lang ba sa'yo, Ulysses?" tanong ni Daddy rito. "No problem, Tito Caden," nakangiti na sagot niya. "Hija, dalhin mo si Ulysses sa Garden mag-usap kayo about sa kasal niyo," saad ni Daddy na nagbabanta ang tingin. Tamad akong tumayo at nakasunod sa akin si Ulysses. Umupo ako at tiningnan siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Bakit ka pumayag na magpakasal sa akin?" tanong ko rito. "There's any problem? Kasal lang naman, right? I need to marry you because to maintain our family business. Saka para tumino ka daw sabi ng Daddy mo at pagkatapos ng kasal doon mo na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral sa probinsya. Doon tayo titira sa ayaw at sa gusto mo, your life style will be change," maawtoridad na saad niya. "Hoy, kapal mo! Ayoko ko nga, pwede naman dito." "Ako masusunod, Cassy. At sigurado mag-eenjoy ka doon at doon na rin tayo maghoneymoon," nakangising saad niya. "And if ever mabuntis ka it's okay, but if you want to finish your study, you need to use pills. Lastly, school and house only, no party, okay?" At bigla itong tumayo at bumalik sa loob. Grabi bubuntisin talaga niya ako. Ako pa ba ang tatanggi? Lahat na iyan, kunwari na ayaw ko acting ko lang iyon. Hindi ko akalain magiging asawa ko pa ang pinapantasya ng mga kababaihan. Siguradong inggit na inggit ang mga kaibigan ko. Siguro nga marami magbabago sa akin kapag naipakasal na ako sa isang sikat na businessman na si Ulysses Grey Herrer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD